Thursday, May 24, 2007

Writer's block

Sa mga tagasubaybay ng aking telenovelang pinamagatang "I Will Wait Forever" (or "Maghihintay ako magpakailanman *cue Mel Tiangco here*), kung meron mang tagasubaybay, pagpasensyahan nyo na dahil kasalukuyang hindi ko maisulat ang Chapter 7 nito na may pinamagatang... teka... wala pa palang pamagat...

Kung mapapansin nyo, magulo ang Chapter 6. Iyon ay dahil wala na akong mapigang ideya sa aking mumunting utak. Tumalon kasi ang isip ko sa *spoiler begins here* panahong nasa France si Macy, at nakilala na nya ang kanyang one great love na si Daniel *spoiler ends here* It's like that, pare. So grabe talaga, pare... (arrggghhh... cofibean is tat yu?)

At saka isa pa, iniisip ko, pano kung makita ng mga taga Kapuso or taga Kapamilya yung story ko, at ioffer nila na gawing first english filipino soap opera yun? Pwede...

Well.. it's just me and my vivid imagination. Ang imahinasyon kong hindi gumagana kung kelan kailangang kailangan.

Gusto ko na ring tapusin ito para marevise ko yung isang story ko na "The Reunion".

Kung kayo ba ang papipiliin... gawin ko na kayang summer vacation tapos lalong... teka... may naisip na ako...

Yahoo!!! Itutuloy ko muna yung Chapter 7!!!

0 comments: