Showing posts with label letter. Show all posts
Showing posts with label letter. Show all posts

Thursday, July 5, 2007

Me and My Wild Imagination - Part 2

Anong gagawin ko para lang makasama kita sa tabi ko kung lahat ng tao sa buong mundo ay naghahabol rin sayo? Ano bang laban ko sa ibang babae na di hamak na mas cute pa sa kin? Siguro nga mananatili ka na lang na pangarap habang buhay, kaso naman umaasa pa rin ako na balang araw eh magkikita tayo. Sana kung dumating yung panahon na yun, hayaan mo akong manatili sa tabi ko para protektahan ka. Alam ko namang di mo na kailangan yun, dahil sa dami ng maids mo at bodyguards di ba? Basta sana kung mapansin mo ako, sana hindi lang smile ang ibigay mo sa kin. Sana kahit papano, kausapin mo ako kahit hindi tayo magkaintindihan. Pero kung di talaga kaya, kaway at ngiti mo lang solve na ako.

Alam ko namang kasalanan ang sobrang tingilain at hangaan ka nang ganito, pero gaya ni Rui Xi, you inspired this fatty girl to change. Alam mo bang dahil sa yo, naagdesisyunan ko na talagang seryosohin ang pagpapapayat ko? Oo na, alam kong corny at nakuha ko lang yung idea sa "Hana Kimi", pero why not di ba? Ayaw mo nun, sa totoong buhay ay may napapayat kang girl dahil sa sobrang paghanga sa yo.

Siguro nga, ang tanging magagawa ko para mapalapit sa yo ay panoorin lahat ng shows mo, pakinggan lahat ng kanta mo, magdownload ng pictures mo at basahin ang blog mo na ilang buwan mo nang hindi ina-update. OK lang yun, alam ko naman na busy ka, pero sana mag update ka naman di ba?

Sige hanggang dito na lang. Wo Ai Ni, Wu Chun!

Ang iyong tagahanga,
Keisi 'd Great

Monday, June 11, 2007

Salamat...

Salamat kasi tiningnan mo yung Friendster profile ko. Kahit man lang sa cyberspace ay napansin mo ang isang papapampam (papansin) na kagaya ko. Matagal na kitang gustong i-add, kaso natatakot ako kasi baka magalit ka. Sa totoo lang, matagal na kitang gustong makafriendster kaso di mo naman inaccept yung invitation ko, kaya kinansela ko lang yung invitation. Ginamit ko na lang yung friendster ng tropa ko (na friendships mo rin) para maadd kita.

Salamat kasi naging parte ka ng buhay ko. Marami akong natutunan tungkol sa pag-ibig nang dahil sa yo. Salamat kasi naging inspirasyon kita.

Sana, pag nagkita ulit tayo, pansinin mo pa rin ako. Sana hindi ka na galit sa kin... salamat...

Sunday, May 13, 2007

Dear Pie

Isa ako sa mga unang nakaalam na magiging nanay ka na. 18 ka lang nun, katatapos mo lang magdebut at kakasimula pa lang ng relasyon nyo ng noo'y bago mong boyfriend na tatay ng anak mo. Alam ko ang nararamdaman mo - takot, dahil magiging nanay ka na at dahil nakapabata mo pa para sa ganong responsibilidad, pangamba na baka hindi mo siya mapalaki ng maayos, at saya kasi may isang baging buhay na sumibol sa iyong sinapupunan.

Isa rin ako sa mga naging biktima mo. Anak talaga ng... sana di ko na lang kinain yung burger mcdo na may french fires sa loob dahil pag-uwi ko ng bahay, nagsusuka na ako at antukin na. Palagi kang nanggigil sa kin, kahit alam nating dalawa na napakacute ko talaga.

Madalas kitang pagtakpan sa nanay mo (at ipahamak na rin), dahil hindi ka umuuwi sa bahay nyo. Jontis ka kasi sa junakis mong pasaway... hehehehe...

Marami ka pang pagdadaanan sa pagiging ina. Isa lamang ang pagpasok ni Bubu sa school na masasabi nating "pahirap" sa buhay mo. Antayin mong maging teenager ang anak mo, at alam kong maiintindihan mo kung ano ang pinagdaanan ng mga nanay natin. Harinaway mabigyan mo ng magandang buhay at kunabukasan ang inaanak ko, at naway' hindi siya maging kasing pasaway mo...

Happy Mother's day tol! 2 months na lang at birthday na ni Bubu!

Friday, February 9, 2007

Ikaw

Ikaw. Oo, ikaw nga! Napakasuwerte mo sa lahat ng mga taong nagpakatanga at nagpapakatanga sayo! Naisip mo na ba kung ilang dagat na ang pwedeng mabuo mula sa mga luhang tumulo dahil sayo? Masarap ba ang pakiramdam ng iniiyakan kahit buhay ka pa?! Masaya?!


Ilang tanga na ba ang naliwanagan dahil dumating ka sa buhay nila? Ilang henyo na ba ang nabobo sa kaiisip sayo? ilang bochog na ba ang nangayayat sa kakahabol sayo? ilang patpatin na ba ang nakabuhat ng grand piano dahil minahal ka nila?


Nakakatawang isipin at pagtanda siguro natin mahirap paniwalaan, na minsan sa buhay ng batang iyon, ikaw ang naging tampok ng kanyang mga pangarap.


Minsan naman sadyang dumadating sa mga relasyon yung pagkakataon na kailangang bumitaw o mabitawan, makasakit o masaktan. Malas mo na nga lang kung ikaw yung iniwan pero hindi eh. Talagang masuwerte ka kasi ikaw yung nang-iwan. Pero kahit ganoon na nga ang papel mo, lalabas ka pa ring bida at dakila kasi sasabihin ng mokong na ‘to, “Hindi ko siya masisisi. Ako naman talaga ang may kasalanan.” Ayos.


Ilang utak na ba ang binabagabag mo gabi-gabi? Ilang nilalang na ang hindi nakakatulog sa kaiisip sayo? Ilang mga mata na ang parang namagang fishball sa umaga dahil sa magdamag na pag-iyak sa alaala mo?


Alam mo ba na para kang bubblegum sa bumbunan nung taong mahal na mahal ka? Pilit na kinukutkot pero sa huli malagkit pa rin. Para kang mantika sa platong hindi maalis-alis kahit nakalimang banlaw na lalo na kung walang Joy Ultra Calamansi. Para kang monthly period na after three days akala wala na pero may taghabol pa pala.


Isa man yan, o isang barkada, maswerte ka pa rin. Hindi ba nakakataba ng puso ang
malamang may isang nilalang na iinom ng isang shot ng nana at isang kilong taba para lang sayo? Na kahit lasunin mo ng racumin, para pa ring tutang susunod sayo.


Kung ganon pwede ka nang lumundag mula sa Eiffel Tower at makakasigurado kang sa langit pa rin ang bagsak mo dahil may isang nilalang na makikipagbargain kay satanas para sa kaluluwa mo.


Sabihin mo nang hindi ka naman ganon; na iniiwan ka rin at nasasaktan; na hindi mo ginustong magpakapraning sila sayo; na hindi ka ganon kalupit at karahas; na may puso ka ring mamon. Pero wala kang magagawa. Wala akong magagawa. Wala silang magagawa. Naging praning ako sayo eh...

Reproducng a letter

A letter that I wrote for a guy 2 years ago...


I would give everything just to see your face again. You were a beautiful dream that visited me during my slumber, making me wish that I don’t have to wake up. The sound of your laugh is a melody to my heart, just the thought that I made you smile is a great accomplishment. To me, you are everything. You’re the greatest thing that happened in my life now. You never know how you healed my broken heart, and my wounded soul. Just by your presence, your smile, your glances, you made me feel everything would be all right, and that it’s ok to love once in a while.

I almost gave up on love. I almost believed that fairy tales don’t exists, and that prince charming is but another antagonist in this love story. But you proved me wrong. You were the knight in shining armor, came to rescue me from all the pains, the fears and the misery I’m going through. You were just in time… just in time for me to let go…

In this world, we fall, we get hurt, we feel pain, we have heartaches. I was not ready to face such things. I don’t even know if I could love someone unconditionally, or if I could be happy just by loving someone from a distance. Then you came and I met you. You showed me how hurt you are, and that life still has to go on without the girl you love.

I love you but I’m not expecting anything in return. Maybe just your smile, your glance, or your soothing voice will do. Tonight, if ever I’m going to see you again, I will have to let you go. After I step out of the building, I will have to keep you as just another guy who came into my life, and changed everything. I will never forget you. It’s funny because I had a daydream that I was saying goodbye, and the moment I turned my back to walk away from you; you ran after me and hugged me telling me not to get out of your life. It’s just a dream. But I hope and pray that someday I could see you again, and maybe it will start there. But as of now, I have to continue living my life and find the happiness I was looking for. I love you and I wish you all the best. May God always look upon you. I love you…

Saturday, February 3, 2007

Para sa taong tinadhana sa aking ng Diyos at ng Pagkakataon

Hindi ko alam kung kailan ka darating. Hindi ko alam kung makikita pa kita. Pero aasa ako sa paniniwalang may isang itinakda para sa lahat ng tao.

Minsan iniisip ko, buhay ka ba? Nasa kabilang dulo ka ba? Ano bang nasa puso mo? Nararamdaman mo rin ba ang nararamdaman ko?

Kung totoo ka man, pwes aasa pa rin akong balang araw makikilala ka. Di ko alam kung kailan, di ko alam kung saan. Kung tama man ang lugar at panahon, Diyos na lang ang nakakaalam.

Sa ngayon, marami akong tanong sa isip ko tungkol sa 'yo. Nasaktan ka na ba? Nagmahal ka na ba ng sobra sobra? Minsan ba sa buhay mo, umasa ka? Minsin ba inisip mo na rin bang huwag nang magmahal ulit, at magtiwala sa ibang tao? Kung ako ang tatanungin mo, oo. Kaya hindi mo ako masisisi kung sakaling dumating ka, saktan lamang kita. Dahil pagod na ako... pagod na pagod...

Kung darating ka, sana dumating ka na, Ayokong sisihin ka balang araw dahil huli ka na. Ayokong dumating ka na hindi na ako marunong magmahal. Dahil baka huli na ang lahat, at matutunan ko na hindi pala kita kailangan...

Kung darating ka ngayon o bukas, Diyos na lang ang makakaalam. Basta't isipin mo palagi na inaantay kita, at umaasa na magiging maligaya rin ako sa piling mo...