Wednesday, July 4, 2007
Barkada Moments Part 3 - Kape
Umaga pa lang, pinaguusapan na namin kung san kami magkikita ni Coco. sa McDo Quezon Ave kami nagkita. Tapos nung hapon, tumawag si Pie-tots sa kin kasi nga hindi sya makakasama.
Dahil alam kong late si coco, nagstay muna ako sa office ng hanggang quarter to 9. Pagdating ng 9 PM, pumunta na ako sa Mcdo. In fairness, di sya late ngayon ha? Dapat sa Timog kami magkakape, kaso niyaya ko na lang siya sa Starbucks dito sa Loop para malapit. Nagkuwentuhan ng konti, uminom ng kape, tumambay ng 2 oras, nagkuwentuhan tungkol sa buhay buhay (at oo, tinanong ko SIYA), at pinilit ko syang lumipat ng trabaho at tanggapin na yung offer sa Affinity para naman makagimik na kami. 11na kami nakauwi, at in fairness na naman, sabay kami umuwi. Nagjeep lang kami at nadaanan namin yun entrance sa Sikatuna Village. duna dati nakatira sina Coco at Claire, at dun kami madalas tumambay ng tropa sa bahay nila. Naalala ko nun, da best tumambay sa kanila, lalo na dun sa office nila dati. Kami kami lang.
Sabay hirit si Coco ng "Simula nung magcollege tayo, di na tayo masyadong nagkakasama..." syempre naman. Busy busyhan na lahat ng tao eh. Guamagawa ng report, nag-aaral para sa exam, buti nga kahit papano, intact parin kami. Nakakamiss yung dati pero ganun talaga. Naghiwalay kami sa Aurora. Sabay sa pagbuhos ng ulan, nagpaalam na kami sa isat isa at tumakbo para sumilong.
Monday, June 11, 2007
Salamat...
Salamat kasi naging parte ka ng buhay ko. Marami akong natutunan tungkol sa pag-ibig nang dahil sa yo. Salamat kasi naging inspirasyon kita.
Sana, pag nagkita ulit tayo, pansinin mo pa rin ako. Sana hindi ka na galit sa kin... salamat...
Monday, June 4, 2007
Ang katuparan ng Dream Sequence...???
Siguro ito na yung dahilan kung bakit lately, napapaginipan kita. Last na talaga ito. Matapos ito, hindind hindi na kita guguluhin...h
Tuesday, May 29, 2007
Good Old Times...
For so many years, meron akong memory box na tinatago-tago. Importante kasi yun sa kin. Lahat ng rare stationeries ko, dun ko nilalagay dati. Yung mga cute things, mga letters, sticker, frienship bracelet nung nagpunta kami ng Fair ng Claret, ticket sa concert, lahat ng may importanteng memory nakalagay dun.
Sayang lang nga, hindi lahat ng sulat, naitago ko. Hindi lahat ng story, na preserve ko. Merong particular letter pa nga nun na nabasa ng nanay ko, kasi akala nya nag-aaway kami ni Pie dahil nga sa tsismis sa kanya dati sa school about kay... basta siya. Meron din dati binigay si Pie sa kin na newspaper clip na may quotations from the book ng "Thick Face, Black Heart" (sana tama yung title...) pero nung minsan na tiningnan ko yung memory box ko, wala na.
Nung nagcollege naman ako, triny ko na magkaron ulit ng memory box, pero wala naman akong masyadong mailagay dun aside sa CM ko nung 1st yr. - 1st sem at yung grade ko at midterm test permit. Yun lang. Nagpasya kasi ako na hindi masyadong masaya ang karanasan ko nung college (lalo na ang love life) kaya di na lang ako gagawa ng memory box for college.
Matagal ko na rin hindi nabubuksan yung mga gamit ko nung high school. For sure, kinakalawang na yung memory box ko. For sure, brown na yung mga papel na ginamit ko nung high school para sa pagsusulat. Minsan, masarap halungkatin ang mga lumang gamit na ito at alalahanin yung taong nagdaan. Nakakatuwa, dati kasi nagmamadali akong lumaki. Nagmamadali akong tumanda. Nagrerebelde ako kasi sa palagay ko, hindi binibigay nila ko yung freedom na hinahanap ko. Parang ang sarap isipin, na noong unang panahon, isa ka lang musmos na naghahanap sa sarili at unti-unting bumubuo ng pangarap. Parang walang problema, at kung meron man, siguro yung mahirap na problem lang sa trigo, or kung paano mag-bake ng choco chip cookies sa THE. Pero ngayon...
Monday, May 28, 2007
Dream Sequence
Hindi naman ako galit sa yo, baka ikaw yung galit pa sa kin. Nagtataka lang ako kung bakit ikaw pa rin... samantalang 2 years ago, narealize ko na hindi na pala worth it mag-antay sa yo...
Hindi kaya magkikita tayo ulit? Nakakatuwa naman kung ganun. Ilang years na rin naman kitang hindi nakikita simula nung inaasar kita. Papansinin mo pa ba ako pag nagkita tayo?
Hindi na siguro madadaan ng isang libong beses na sorry yung lahat ng kalokohang pinaggagawa ko sayo. May dahilan kung bakit. May itinatago akong lihim kaya ko nagawa yun. Kung ano man yun, wag mo nang alamin kasi hindi mo rin maiintindihan...
Ewan ko nga ba kung bakit kita napaginipan...
Sunday, May 13, 2007
Dear Pie
Isa rin ako sa mga naging biktima mo. Anak talaga ng... sana di ko na lang kinain yung burger mcdo na may french fires sa loob dahil pag-uwi ko ng bahay, nagsusuka na ako at antukin na. Palagi kang nanggigil sa kin, kahit alam nating dalawa na napakacute ko talaga.
Madalas kitang pagtakpan sa nanay mo (at ipahamak na rin), dahil hindi ka umuuwi sa bahay nyo. Jontis ka kasi sa junakis mong pasaway... hehehehe...
Marami ka pang pagdadaanan sa pagiging ina. Isa lamang ang pagpasok ni Bubu sa school na masasabi nating "pahirap" sa buhay mo. Antayin mong maging teenager ang anak mo, at alam kong maiintindihan mo kung ano ang pinagdaanan ng mga nanay natin. Harinaway mabigyan mo ng magandang buhay at kunabukasan ang inaanak ko, at naway' hindi siya maging kasing pasaway mo...
Happy Mother's day tol! 2 months na lang at birthday na ni Bubu!
Wednesday, April 25, 2007
Resigned
Hindi ako ang nagresign, kung di ang mahal kong best friend na si Pie.
Alam kong darating din ang araw na ito. Hindi na namin makakaila yun. Si Pie ay isang kaawaawang nilalang na biktima ng lipunan at pulitika sa Call Center. Nakakainis kasi napaka judgemental kasi ng mga empleyado sa isang Call Center na itago natin sa pangalang Owwwwsss.
Yun ang mahirap sa ating mga pinoy eh, hindi natin binibigyan ng tsansa yung mga batang gustong magbagong buhay. Well, di ko naman sinasabing nagbabagong buhay si Pie. Sa kin lang, ngayon pa lang niya napapatunayan ang kakayahan niya matapos niyang mastroke at dapuan ng sakit na demayelie... demyelie... demielye... demel... ahhh ean basta yung kahawig ng multple osteoporosis, este, sclerosis pala.
Dalawang taon sin kasing nagkulong si best friend. Kahit anong pilit kong kumbinsihin sa kanyang kaya pa niyang gawin yung mga bagay bagay na ginagawa nya dati, hindi siya naniniwala. Bumababa yung self-esteem, self confidence, self reliance, at bookshelf nya sa sarili. Kungbaga, ang iniisip nya, ang kaya na lang niyang gawin eh mahiga, manood ng tv at mag-alaga ng anak.
Tama na rin siguro na magresign si Pie sa Owwssss. Kasi naman, galing na siya ng Ambergris, pinagtyagaan pa nya ang Owwwssss. Kaya ayun... Owwwsss...
Sana lang makahanap agad ng trabaho si best friend dahil malamang mangungulit na naman yan sa telepono...
Thursday, April 19, 2007
Barkada Moment - Part 2 - Fetihistic Rhythm Reloaded
Tropa: Coco and Maui
Background music: time of your life by greenday (wala akong ibang maisip eh, edit ko na lang ito pag may naisip na akong mas magandang music)
After ng makabagbag-damdaming tagpo s nakaraang entry ko (Barkada Moment Part 1), nagkita kami ni Coco sa Gateway. Mga 8 pm na kami nagkita kasi galing pa siya ng work. At dahil alam kong siya'y "the late Coco", nagstart lang akong lumayas ng bahay nung papunta na siya sa Gateway.
So ayun, nagkita kami sa Go Nuts sa may Gateway. Konting kwentuhan, tapos, medyo nagutom si Coco kaya kumain muna kami sa KFC.
Sa KFC na rin kami nakipagmeet kay Maui. Kagagaling niya sa house nila dahil kagagaling niya ng work. So after namin makipagmeet kay Maui, punta na kami Starbucks para magcoffee, kaso, puno ang Starbucks kaya ang bagsak namin eh sa Gloria Jean's (pero sana, sa The Coffee Bean and Tea Leaf na lang kami...).
So pagkatapos namin umorder ng kape, nagkwentuhan kami ng tungkol sa mga pangyayari sa buhay-buhay namin. Pero before nun, tinanong ko na si Coco kung balak ba niyang sabihin kay Mau, pero sabi niya, wag muna. OK lang, di naman kasi niya kailangan ishare sa lahat yung nangyari.
Syempre, sa kwentuhan, hindi pwedeng mawala ang magreminisce. Napagkwentuhan pa namin yung tungkol sa story na ginawa namin nung High School, yung "Bonny Rustics". Yun yung story kung saan magkakabanda kami na ang pangalan eh "Fetihistic Rhtythm".
Dun kasi sa story, ako yung drummer na mahilig gumimik, si Mau yung gothic na weird na vocalist and bassist namin, si Coco yung head namin na gitarista. Nakwento ko rin na nasa kin pa yung isang chapter, at tinuloy ko siya. Sayang, pwede sanang ilagay yun dito sa blog ko, pero wala na rin akong time para hagilapin yung pinakahuling chapter at type yun.
Yun lang naman nangyari. Syempre, pagtapos na ang lahat, magsasabihan ng "Dapat gawin nating ito every week", pero syempre, di na naman matutuloy yun dahil busy-busyhan na naman ang lahat. Haaayyy... ang barkada ko nga naman...
Saturday, April 14, 2007
Barkada Moment - Part 1 - Coco
[Background music: Longer by Dan Fogelberg]
Si Coco.
Tahimik na tao.
Walang paki sa mundo.
Hindi masyadong nag-oopen ng problema.
Kaya hindi mo aakalain, na sa gabing ito, nag-open up sya sa kin ng problema...
Nagkakamustahan lang kami sa IM. Nagpaplano ng reunion ng tropa sa Starbucks. Hanggang nagkaron ng open forum... Actually nagsimula siya sa biro na naging seryoso...
Depressed siya. At syempre di ko sasabihin kong bakit. Nagkuwento siya sa nangyari sa buhay niya. Alam mo yung scene sa mga youth-oriented shows na nag-open up yung friend saisa niyang friend, tapos may drama? Ganun. Parang feeling ko umiiyak siya. Tuloy tuloy sa pagtype ng suliranin sa buhay. Ako naman, nakikinig at nagbabasa lang.
At that time, gusto kong lumipad sa bahay niya at yakapin siya. I feel for her. Minsan lang siya mag-oopen ng problema, pero pag nag-open siya, maski ikaw iiyak ng kasabay niya.
Ako, bilang kaibigan, nagbigay ng payo tsaka ng opinion ko sa mga desisyon niya. Yun lang naman yung kaya kong gawin. Pero kung kaya kong kunin yung sakit na nadarama niya, gagawin ko. Kung pwede lang...
Thursday, March 22, 2007
Happy Birthday, Pie!!!
Buti na lang binuksan ko ang calendar ko ngayon at nakita ko nga na brithday niya. Tumawag ako agad sa kanya. Namputsa, nakalimutan ko... di kaya mainis na naman sa kin tong bruhang ito? Di bale, babawi na lang ako next week pag nag kita kami. Libre ko na lang siya ng Yellow Cab.
Friday, February 9, 2007
ANO BER!!!!!
Huling balita ko sa kanya... ummm.. sabihin na nating di kaayaaya sa pandinig. To cut the long story short... I ended up crying not because I'm hurt but because I thought it was my fault. Pero OK lang yun, dahil nung time na yun... obsessed ako sa isang taong itago nalang natin sa initial na PJ (Paolo Morales... Is tat yu??? I don't think so! hehehe peace tol!).
Pero nung nabasa ko yung blog nya, di ko alam kung mashoshock ako or maiinis ako... DAHIL HINDI SIYA YUNG TAONG INAKALA KONG SIYA!!! ANO VER????? Akala ko ba'y isa siyang... bakit andami nyang...
(Disclaimer: di nya lam na alam ko kaya ganito, sorry peeps!!)
ANAK NG... PINGTRIPAN NA NAMAN BA AKO??? NANIWALA NA NAMAN BA AKO SA ISANG KASINUNGALNGAN???
Ah, ewan! Bahala na siya sa buhay niya... basta magbabasa na lang ako ng blog niya!!!
Of love, heartaches, and a guy named Voltaire
======================================================================
Ayoko nang magkwento ng mga pangyayari sa nagdaang 8 taon dahil nakakasawa na ang kwento. Maiba naman. Ayoko nang sa kanya lang umiikot ang mundo ko. Tao ako, at hindi isang aliping sagigilid niya. Basta ang alam ko, lahat ng pwedeng maramdam ng isang ordinaryong tao, naramdamam ko nung minahal ko sya. But I lost the fight I've been trying to win. But at least, I figured out how to love.
=======================================================================
Now, I'm in love. I'm in love with this wonderful person. I never thought I could feel this way again. When I'm with this person, the world stops, and I feel complete. Mahal ko siya in spite of all the oddities. I will fight for this person no matter what.
====================================================================
Minsan iniisip ko, hanggang kailan? Oo, tatagal kami pero may patutunguhan ba? Maraming hadlang, at kapag nalaman ng ibang tao, baka di namin makaya ang pangungutya. Minsan, iniisip ko na to let this person go. Baka in the end hindi ko maibigay yung happiness na hinahanap niya, at ganun sya sa kin... Pero what the heck! I love this person, no matter what!
====================================================================
Stupidity ba yung nagmahal ka nang sobra sobra, umaasa, at naniwala sa mga love quotations na pinapasa nung unang panahon? Oo. Yeah, I'm such a stupid person because it took me 6 years to forget a guy. And all I needed to do to forget this guy is another guy...
===================================================================
