Monday, May 28, 2007

Dream Sequence

Di ko alam kung bakit kita pinaginipan kagabi. Di naman kita iniisip, at alam kong hindi ka na laman ng subconscious mind ko dahil tanging si Wu Zun na lang ang laman ng puso at isip ko. OK naman tayo sa panaginip ko... sa katunyan friendships ever na nga daw tayo, pero bakit ganun? Talaga bang kailangang may kissing scene pa tayo sa panaginip ko? Duh... nakakatuwa sya pero hindi nakakatawa.

Hindi naman ako galit sa yo, baka ikaw yung galit pa sa kin. Nagtataka lang ako kung bakit ikaw pa rin... samantalang 2 years ago, narealize ko na hindi na pala worth it mag-antay sa yo...

Hindi kaya magkikita tayo ulit? Nakakatuwa naman kung ganun. Ilang years na rin naman kitang hindi nakikita simula nung inaasar kita. Papansinin mo pa ba ako pag nagkita tayo?

Hindi na siguro madadaan ng isang libong beses na sorry yung lahat ng kalokohang pinaggagawa ko sayo. May dahilan kung bakit. May itinatago akong lihim kaya ko nagawa yun. Kung ano man yun, wag mo nang alamin kasi hindi mo rin maiintindihan...

Ewan ko nga ba kung bakit kita napaginipan...

0 comments: