Tuesday, May 1, 2007

Labor day

Noong bata ako, akala ko ang labor day eh araw ng mga buntis. Di ko alam, para pala sa manggagawa yun.

Noong nagcollege ako, naappreciate ko ang labor day kasi walang pasok... hehehe... mas naappreciate ko siya ngayong nagtatrabaho na ako dahil kahit bakasyon, may kita ako. Yahoooo!!! Off ko pa man din ngayon!

Pero mas maappreciate ko kung tataasan ang sweldo ko. Sabi sa news, may non-wage benefits daw na iaannounce si Madam ABS... este ABC... este GMA (bakit kasi initials nya eh pang TV station...). Sana kasama sa non-wage benefits na yun eh yung pagbaba ng presyo ng bilihin at pamasahe at pagbaba ng tax. Pero asa pa ako.

Sana rin, bigyan nya ng magandang benefits at privileges kaming mga Call Center Agents, dahil bukod sa mga OFW, kami rin ang nagpapasok ng dollars sa Pilipinas

Happy Labor day sa mga manganganal na!

0 comments: