Thursday, April 19, 2007

Barkada Moment - Part 2 - Fetihistic Rhythm Reloaded

Location: Araneta Center
Tropa: Coco and Maui
Background music: time of your life by greenday (wala akong ibang maisip eh, edit ko na lang ito pag may naisip na akong mas magandang music)

After ng makabagbag-damdaming tagpo s nakaraang entry ko (Barkada Moment Part 1), nagkita kami ni Coco sa Gateway. Mga 8 pm na kami nagkita kasi galing pa siya ng work. At dahil alam kong siya'y "the late Coco", nagstart lang akong lumayas ng bahay nung papunta na siya sa Gateway.

So ayun, nagkita kami sa Go Nuts sa may Gateway. Konting kwentuhan, tapos, medyo nagutom si Coco kaya kumain muna kami sa KFC.

Sa KFC na rin kami nakipagmeet kay Maui. Kagagaling niya sa house nila dahil kagagaling niya ng work. So after namin makipagmeet kay Maui, punta na kami Starbucks para magcoffee, kaso, puno ang Starbucks kaya ang bagsak namin eh sa Gloria Jean's (pero sana, sa The Coffee Bean and Tea Leaf na lang kami...).

So pagkatapos namin umorder ng kape, nagkwentuhan kami ng tungkol sa mga pangyayari sa buhay-buhay namin. Pero before nun, tinanong ko na si Coco kung balak ba niyang sabihin kay Mau, pero sabi niya, wag muna. OK lang, di naman kasi niya kailangan ishare sa lahat yung nangyari.

Syempre, sa kwentuhan, hindi pwedeng mawala ang magreminisce. Napagkwentuhan pa namin yung tungkol sa story na ginawa namin nung High School, yung "Bonny Rustics". Yun yung story kung saan magkakabanda kami na ang pangalan eh "Fetihistic Rhtythm".

Dun kasi sa story, ako yung drummer na mahilig gumimik, si Mau yung gothic na weird na vocalist and bassist namin, si Coco yung head namin na gitarista. Nakwento ko rin na nasa kin pa yung isang chapter, at tinuloy ko siya. Sayang, pwede sanang ilagay yun dito sa blog ko, pero wala na rin akong time para hagilapin yung pinakahuling chapter at type yun.

Yun lang naman nangyari. Syempre, pagtapos na ang lahat, magsasabihan ng "Dapat gawin nating ito every week", pero syempre, di na naman matutuloy yun dahil busy-busyhan na naman ang lahat. Haaayyy... ang barkada ko nga naman...

0 comments: