Friday, April 20, 2007

Blurry image due to Dial Up Accelerator

Di ko alam ang balak ko sa buhay ko...

For the first time in my life, wala akong back-up plan sa buhay ko. Lahat ng plano ko, may plan b to plan z, ngayon lang talaga wala...

Plan A kasi, magtatapos ng pag-aaral. Plan A yun. If plan A does not work, go to plan b, then plan c...

Parang feeling ko ang gulo ng utak ko. Mali. Magulo talaga ang utak ko. Hindi ko alam ang gusto kong mangyari sa buhay ko. Para akong tren na nadiskaril. Parang kotseng naligaw sa pagliko. Parang kabayong nawalan ng blinds. Walang patutunguhan. Walang plano. Walang kwenta...

Hindi ko alam kung isisisi ko yun sa mga pangyayari sa buhay ko. Isisisi ko ba sa nanay ko, sa kamag-anak ko, o sa sarili kong desisyon? Minsan ko lang hahawakan ang buhay ko, palpak pa! Ang yabang ko pa noon, pero asan ako ngayon? Wala... Wala talagang kwenta! Isa akong malaking failure!!!

0 comments: