Saturday, April 14, 2007

Brokeback Mountain

I'm broke...

Kanina, medyo nagising ako ng sinabi ng nanay ko na magwiwithdraw siya sa ATM ko dahil wala na kaming panggastos. Umuo na lang ako kasi inaantok ako... at narealize ko na 4k na lang pala ang laman ng ATM ko. Anak ng pitong puting tupa talaga!!!

I'm broke! Mawawalan na ako ng pera! Ewan ko ba kung san napupunta yung mga sinusweldo ko... Bwisit kasi na tax yan, tapos ang mahal pa ng bilihin...

May mga naisip na akong paraan para magkapera ako:
  1. Maghanap ng part-time job
  2. Magtipid ng allowance
  3. Maghanap ng trabaho na mas malaki ang kita (why not? With my experience... pwede!)
  4. Magpapromote
  5. Karirin ang incentives
  6. Humingi ng raise

Pero kung yung option number 3, maraming backlog gaya ng

  1. Sayang ang MediCard
  2. Sayang ang 13th moth pay this December
  3. Ang jacket
  4. Sayang ang tax refund
  5. Sayang ang 5 kiyaw pag naka 2 taon na

Pero kung maghahanap ako ng trabaho dapat ganito:

  1. Dapat malaki ang offer, mga 18k plus allowance at incentives
  2. Dapat may HMO na
  3. E-mail or chat support dapat (last choice ang phone)
  4. Higher position kung hindi pwede sa e-mail or chat support

Demanding masyado di ba?

Waaahhh... kailangan ko ng pera!

0 comments: