Friday, April 6, 2007

Addictus

Ayokong gumising ng maaga, lalo na kung may pasok ako. Wala akong balak. Dapat ang gising ko mga 1 om pa. PERO dahil sa fanatic ako, gumising ako ng 11 am kanina para kumain at maligo ng maaga. 1 pm kasi, rerun ng Hana Kimi sa CTS. At dahil hindi ko sya maabutan pag gabi na (8 pm kasi yung bagong epi, may replay ng 11:30 pm... schucks! Memorize ko na!), naisipan kong gumising ng maaga at magprepare ng maaga para maabutan ko yung rerun niya.

Hindi naman ako ganito. Dati, pag di ko naaabutan si Spongebob, ok lang sa kin. Pag di ko napapanood si Ginger Foutley, OK lang din. Pag di ko napapanood ang TGiS at Growing Up, ok pa rin... although naiiyak na ako nun dahil hindi ko napanood yung episode ng sabadong iyon.

Siguro addict lang ako ngayon sa Hana Kimi. Wala kasi akong magustuhang koreanovela o chinovela ngayon (haller??? Ju mong at Princess Hours? OK, sikta sila pero di ko sila type). Tsaka ang gwapo ni Wu Zun eh, bagay sila ni Ella Chen...

Haaay... grabe na ito, pati rin sa panaginip ko nagchichinese na ako... Bong chwai la? Chi dee di kong kwai la? A bu chi kik...

0 comments: