Wednesday, April 25, 2007

There's no Buisness like...

Impulsive buyer ako ngayon...

Kanina kasi, bago ako pumasok sa opisina, dumaan ako ng Mini Stop. Bibili lang sana ako ng tubig, nang may makita akong book. Ang book ay may pamagat na "The Ultimate Guide to Starting Your Own Business" Ultimate? Me thinks... nasan yung penultimate???
Dahil mabait akong bata, naisipan kong bumili ng book. Meron din naman akong balak magbusiness in the future eh. Actually, may plano na kami ni Coco na magtayo ng Web Development business (yun yung chat transcript na nakita nyo sa entry kong "Kompyuter Inhiniyero kuno").

Pero, hindi lang naman yun yung gusto kong pasuking business. Gusto kong magkaron ng Cafe' ala Starbucks. Yung sossy na kape sa abot kayang halaga (commercial na ito!), o di kaya eh tindahan ng ibat ibang klase ng cookies.

Dati, tako akong pumasok ng business kasi nga nalugi na dati ang nanay ko. Pero tama naman yung sinsabi sa libro, malaking risk ang pagpasok ng business. Kailangan mo ng tapang, sipag at tiyaga para lumago.

Ano kayang business ang papasukin ko?

0 comments: