Saturday, April 14, 2007

Barkada Moment - Part 1 - Coco

***Eto ang mga moment ng seryosong usapan naming ng mga tropa ko. Isipin mo na lang, nanonood ka ng TGiS na may mellow background music habang nakaupo kami ng tropa ko sa bangketa.

[Background music: Longer by Dan Fogelberg]

Si Coco.
Tahimik na tao.
Walang paki sa mundo.
Hindi masyadong nag-oopen ng problema.
Kaya hindi mo aakalain, na sa gabing ito, nag-open up sya sa kin ng problema...

Nagkakamustahan lang kami sa IM. Nagpaplano ng reunion ng tropa sa Starbucks. Hanggang nagkaron ng open forum... Actually nagsimula siya sa biro na naging seryoso...

Depressed siya. At syempre di ko sasabihin kong bakit. Nagkuwento siya sa nangyari sa buhay niya. Alam mo yung scene sa mga youth-oriented shows na nag-open up yung friend saisa niyang friend, tapos may drama? Ganun. Parang feeling ko umiiyak siya. Tuloy tuloy sa pagtype ng suliranin sa buhay. Ako naman, nakikinig at nagbabasa lang.

At that time, gusto kong lumipad sa bahay niya at yakapin siya. I feel for her. Minsan lang siya mag-oopen ng problema, pero pag nag-open siya, maski ikaw iiyak ng kasabay niya.

Ako, bilang kaibigan, nagbigay ng payo tsaka ng opinion ko sa mga desisyon niya. Yun lang naman yung kaya kong gawin. Pero kung kaya kong kunin yung sakit na nadarama niya, gagawin ko. Kung pwede lang...

0 comments: