Friday, April 13, 2007

Friday the 13th

Kanina pa ako minamalas. Una pa lang, ginising na ako ng ring ng telepono. Sykes Asia ang tumawag, pero hindi ako ang hinahanap kundi yung nanay ko. Matapos ang maikling phone interview, sabi sa kanya tatawagan na lang siya for results. Bagsak ata nanay ko sa phone interview.

Kanina namang madaling araw, pag-uwi ko, sinabi ng nanay ko naladt episode na ng Hana Kimi. Last episode. Ineenjoy ko pa lang nga, last episode na! Ni hindi ko nga napanood yung kaunaunahang episode eh! OK, sige, papanoorin ko na lang ang replay niya ng hapon.
Pagdating ng hapon, nanood ako ng Hana Kimi. OK, kilig factor na naman ito. Malapit ng magtapos ng bigla siyang icut. Ibang show na ang pinalabas. Grrrr... Bad trip naman! Last episoide na nga eh, di ko pa mapanood... mukhang download na naman ang gagawin ko nito or panonooring ko sa YouTube yung lahat ng episode. Kailangan kong bumili ng DVD player para makabili ng DVD ng Hana Kimi... gosh... mamimiss ko si Yi Quan!

Tapos, nagpunta ako ng Banco De Oro para ipasa yung application at requirements ko for the Credit Card. OK naman, tinanggap naman nila, kaso for investigation pa ako at update ko na lang sa call center nila... sana di nila makita yung utang ng tito ko...

SO pagkatapos namin magpunta ng BDO, pumunta na sa SM si nother para kunin yung advantage card namin. Pumunta naman akong McDo para bumili ng Bubble gum na McFloat. Ang galing galing, naiwan ko yung pitaka ko sa bahay. Umuwi tuloy ako para kunin yung pitaka ko.

Ganda ng araw na ito. Dapat, Happy Day ko ito, kaso parang puro malas. I miss Yi Quan! huhuhuhu...


P.S.
Di lang pala dun nagtatapos ang kamalasan ko. Nagkaroon ako ng session na umabot ng 1 1/2 hours. Medyo shugaers yung cutomer ko, pero resolve naman siya!


P.P.S.
Kanina, pag-uwi ko ng bahay, kinuwento ng nanay ko na nag-away ang tito ko at ang kapitbahay namin. Parang may shooting sa dami ng tao. Tapos muntik ng magpatayan. Sa awa ng Diyos, magdedemndahan na lang sila. Wala tuloy cable yung TV ko ngayon...

0 comments: