Wednesday, April 25, 2007

Kabawasan

Nakuha ko na ang payslip ko. Ang good news, malaki talaga sweldo ko. Ang bad news, nagkamali ng computation ang payroll at nalagyan ako ng "Regular Holiday not worked" worth P2284.56. Isa pang bad news eh malaki na naman ang tax. Ang isa pang pinaka malaking bad news eh ibabawas siya sa susunod na sweldo. ISANG MALAKING KABAWASAN! Anak talaga ng pitong puting tupa... akala ko pa naman mayaman na ako at marami akong mababaong pera pag nagpunta ang team namin sa Puerto Galera... yun pala HINDI!!! Waaaaaaaahhhhhhhhh...

Kasi naman eh, kung hindi kulang ang sweldo, sobra! Kailangan pang ibawas yun samantalang ang laki laki ng tax na binabawas nila sa sweldo namin!

Feeling ko... itong RD OT ko ang pambayad dun sa bwisit na dispute na yun. Kung mamalasin ka talaga, mamalasing ka talaga...

0 comments: