Monday, June 18, 2007

Crazy 4 U

Lunes ng madaling araw.

Late ako umuwi ng bahay kasi wala naman si mama. Dun sya natulog sa house ng tita ko sa Lemery (hindi Batangas... Lemery St. sa Manila). Pagbaba ko ng taxi, may matandang babae sa may basketball court na parang may sinisigawan. Pero wala namang tao sa basketball court. Narinig ko ang kanyang boses na sumisigaw ng "Syet... cherky cherky cherky... No! Stupid! cherky cherky cherky... No! Stupid!"

At nagulantang ako. Agad akong tumakbo sa tapat ng bahay namin. Tinawag ko si ate Leny na nasa BM at sinabing buksan ang gate. (isipin mong isang scene yan mula sa horror movie kung saan eh hinahabol ng aswang yung bida, ganun yung nangyari.). Kinapa ko yung susi sa bag ko pero wa epek. Buti na lang hindi nakalock yung gate kaya nakapasok agad ako.

Syempre, sino ba naman hindi matatakot dun sa matandang yun? Yung nanay ko na nagmagandang loob sa kanya (nagbigay ng pera kasi tom jones na daw), eh hinaharass di ba? Baka mamaya lechunin ako nun.. gosh... gusto ko pang makita yung araw na dadaratin si Wu Zun dito sa pilipinas at idate ako (so mataas naman masyado ang pangrap ko di ba)

Pagbaba ko ulit after 5 minutes para kunin yung inorder kong triple burger at mineral water, sa awa ng Dyos, sumisigaw pa rin yung matanda ng "Syet... cherky cherky cherky No! Stupid! Stupid No! cherky cherky cherky..." (repeatr 1000x till fade).

Cherky talaga...

0 comments: