Monday, February 12, 2007

Valentine's day

Pagpasensyahan nyo na kung malungkot ako, kung naging depressed ako, kung nawalan ako ng tiwala sa sarili ko. Ang tindi kasi ng problema ko this weekend. I'm starting a new chapter of my life now. Pasensya na rin kung puro sad songs ang nakapost sa blog ko. meron akong 3 dahilan:

  1. Mahilig lang talaga ako sa sad love songs
  2. Broken hearted ako
  3. it's my way to release the pain I feel inside

Medyo OK na ako ngayon. Sana tuloy tuloy na. Hirap talagang mainlove, nakakahigh blood kaya di muna ako maiinilove ngayong taon na ito.

Sanay na rin naman akong walang date ng Valentine's day. OK rin naman maging single. Daming perks... pero ayoko nang ienumerate pa yung mga yun.

====================================================================

Gumising ako kanina na medyo mabigat pa rin ang loob ko sa nangyari. Pagbangon ko ng kama, nakita ko yung statue ni Jesus na nakasabit sa dingding. Ipinikit ko ang mga mata ko, at nagdasal ako.

Ipinagdasal ko na sana bigyan Niya ako ng lakas sa mga susunod na araw...
Ipinagdasal ko na sana alisin Niya yung bigat sa dibdib ko...
Ipinagdasal ko na sana patnubayan Niya ako...
Ipinagdasal ko na sana matutunan kong makalimutan ang lahat...
Ipinagdasal ko na sana bigyan Niya ako ng lakas na matanggap ang mga bagay na di ko na kaya pang baguhin...
Ipinagdasal ko na sana tulungan Niya akong maibalik ang tiwala ko sa sarili ko at sa ibang tao...
Ipinagdasal ko na sana matutuhan ko na siyang mapatawad...
Ipinagdasal ko na Siya na ang bahala sa kanilang dalawa...
Ipinagdasal ko na sana may natutunan ako sa mga pangyayaring ito...
Ipinagdasal ko na rin na gabayan niya ako, at ipinauubaya ko na sa Kanya ang buhay ko, na sana bigyan niya ako ng direksyon sa buhay...


Matutunan ko rin siyang makalimutan pero hindi sa ngayon. Matutunan ko rin siyang kalimutan, at kailangan simulan ko na ngayon.

Wala na rin yung sakit... wala na. Talaga palang pag nagdasal ka, pakikinggan ka ng Diyos...

0 comments: