Sunday, February 11, 2007

Unti unti na akong naniniwalang walang taong magseseryoso sa kin. Sa pagsubok ko ulit na makipagrelasyon, nauwi rin sa wala. Pinagpalit nya ako sa iba...

Feeling ko wala na talagang taong pwedeng magmahal sa kin. Malas ko naman sa paghahanap ng unconditional love sa ibang tao. OK, maniniwala na akong wala talagang taong magmamahal sa kin. Malamang tatandang dalaga ako... haayyy...

Ayoko nang isipin yung perks ng pagiging single kasi masyado akong naattach sa taong ito para naisin ko pang maging single ulit. Ngayon ko lang naranasan ulit masaktan mula nung nalamn kong nililigawan ni Volt si Sherrie... may mas matinidi pa nga dun kung tutuusin... nung hindi talaga ako masikmura nung mga naging virtual boyfriends ko nung nagmeet na kami... haaayyy...

Sabi nila, kung san ka nadapa, dun ka bumangon. Ewan ko kung makakabangon pa ako. Durog na durog na yung puso ko, yung tipong isang cholesterol na lang ang hindi pumipirma... bibigay na. May I will die a lonely death. Lonely, cold, alone...

Masyado pa akong bata para isipin yun, pero masyado pa rin akong bata para masaktan. Sanay na siguro ako...

Lahat siguro ng mura, nasabi ko na sa kanya. Ganun pala yun. Pag nasaktan ka marami kang di kanais nais na bagay na masasabi, pareho ng sitwasyon pag nagdilim yung paningin mo sa sobrang galit. Pero nakakagaan siya ng loob. Parang... ang gaan.. sobra...

Single muna ako. Hanggang kailan? Di ko alam.... palagay ko hindi na rin ako makikipagrelasyon mapababae o mapalalaki. Pare-pareho lang sila...

And you know what... medyo gumaan nga pakiramdam ko ng naisulat ko nang lahat ng ito... Single life again... Huhu...

0 comments: