Thursday, October 2, 2008

Minsan na lang nga pagirl eh!

Ang suot ko ngayon eh yung parang Japanese blouse na medyo fitted sa kin. Tapos, naka dolly shoes ako. Bakit ganito get-up ko? wala na akong maisuot. As in. So far, bago mag lunch, positive naman yung feedback ng mga tao dito sa office. Eh nung biglang maglunch...

Chan: Keisi, lika dito, may sasabihin ako sa yo

Ako: anu yun?

Chan: sino ama ng dinadala mo?

Ako: Gagu! walangya! Ahechu! Ahechu! Obvious ba kung sinong ama ha?

Ayun... yun ang nangyari... Kung sinong ama ng dinadala kuno ko, malay ko kung sino sa dalawang gwapong lalaking dumating nung July 12. Pero palagay ko nadala ako dun sa may shining shimmering smile...

ANAK!!!! MAGKAKAROON KA NA NG KAPATID!!!

Bwisit... di ako buntis! Mukha lang pero hindi!

0 comments: