Thursday, July 19, 2007

Happy Anniversary!

Ngayong araw na ito, one year na akong nagtatrabaho sa RMH. Mahigit isang taon na rin pala mula nung huli akong nag-apply sa ibang kumpanya. So far, eto na yung pinakamatagal kong stay sa call center. 8 months lang kasi ako dati sa Sitel eh.

Pero ngayon anniversary ko dito, parang dinapuan ako ng mala. Yung QOS ko at tumataginting na 0%. Yung calls ko, nagkalat pa ako. Wala akong makitang kabatch na sisigawan ng "Happy Anniversary!".

Pero masaya na rin kasi yung pinakaaasam asam kong jacket ay mapapasakin na. Minsan iniisip ko, ano na ba next step ko? Magreresign na ba ako at maghahanap ng trabaho, o mananatili muna ako dito? May napatunayan na ba ako o wala pa rin? Kaya ko na bang lumipat ng ibang kumpanya o dito muna ako? Susunod na ba ako sa yapak nung mga kabatch kong umalis o susundan ko yung yapak ng mga taong nanatili dito? Mag-aaply ba ako ng non-agent position o hindi? Teka... nag-apply na pala ako... ano na kaya nangyari dun? hmmm....

Siguro kung hindi ako nalipat ng chat support, hindi ako magtatagal dito. Anyway, 8 months na rin naman akong hindi nagtetelepono. Ngayon na lang ulit at paminsan minsan lang.

Kung lilipat ako, san kaya magandang lumipat?

Ah Ewan! Happy Anniversary na lang sa kin.... sana hindi magbago ang isip ko at manatili pa sana ako dito ng mahanbang panahon (unless tawagan ako ng isang malupit na IT Company o Software Company at iconsider nila ako kahit hindi ako graduate di ba?)

0 comments: