Saturday, July 21, 2007

... and bak-bak here, and a bak-bak there... bak here bak there anywhere a bak-bak

Pag-umuwi ako galing opisina at pag papasok ako, di maiiwasang dumaan sa Kamias road. Ang naalala ko, yung tapat ng 7-11 sa Kamias eh kababakbak lang nung summer. Akalain mo ba naman nawindiang ako kagabi dahil binabakbak ng DPWH yung same spot na ginawa ng MMDA nung summer lang? At hindi lang yun! May nadaanan pa akong truck kagabi nmay nakalagay ng signage na "Please take another route". Anak ng... malamang mga 3 pa ang babakbakin ng umaga.

Kaya kanina, pagpasok ko, hindi na ako nagulat nang may nadaanan akong 3 pink fences sa gitna ng kalsada. At gaya nung nakaraang summer, kahit sabado at walang pasok ang karamihan eh may TRAFFIC na naman sa Kamias. Gosh, maliit na nga ang espasyo ng Kamias Road, sumikip pa lalo dahil sa bakbak-bakbak na yan! Ilang milyon kaya ang nabubulsa ng mga pulitiko at opisyales na nagpabakbak ulit nung street na yun?

0 comments: