Thursday, March 15, 2007

Uso ang neon green

-=Guilty Pleasure=-

Kahapon, naabutan ko sa PBO yung "It's cool bulol". Sa mga di nakakaalam, yun yung launching movie ni Red Sternberg. Sa mga di nakakakilala kay Red Sternberg, siya si Kiko sa TGiS. Sa mga di nakakaalam ng tungkol sa TGiS, isa siyang youth-oriented show nung late 90's na nagpasimuno ng lahat ng youth oriented show.

Going back sa launching movie ni Kiko, este, ni Red Sternberg pala. Sa totoo lang, korni siya. Korni, korni, korni! Oo, nung nagshowing siya sa sinehan, pinanood ko siya dahil sa pagmamahal ko kay Red Sternberg. Oo, inaamin ko, mahal na mahal ko siya kaya pinanood ko siya NOON. Favorite ko kasi yung loveteam nila ni Rica Peralejo NOON. (Halatang matanda na ako...)

Going back ulit sa movie. Uulitin ko, Korni siya. Grabe! Di ko alam na uso pala ang neon green noon, at ternohan mo ng bright orange!!! Uso ang hating buhok! Cool ang kulat blue na buhok! Hingyorkzski!!! Adik! 90's na 90's!!!

Yung story, ok naman. Pero sana ginalingan ni Red yung pagarte kasi walang kalatoy latoy... haaay...

Pero in fairness... ang gwapo gwapo talaga niya!!! yihee!!! ang gwapo ni papa red!!!

Pero di pa rin ako makapniwalang uso ang neon green noon...

0 comments: