Saturday, March 31, 2007

Meron akong...

Alam ko na, kanina pa lang pag gising ko, meron na akong hindi magandang nararamdaman sa mata ko. Mabigat ang feeling pero akala ko kasi bagong gising ako. Natural lang naman yun pag bagong gising di ba?

Pero nung nasa opisina na ako, nagmumuta na sya. Bumigat ulit ang pakiramdam ng mata ko. Irritated na siya. Tiningnan ko sa salamin kung ano ba talaga ang problema. Yun pala, may pimple sa eye lid ko. Pimple? hmmm... Imposibleng magkaron ng pimple sa eye lid kaya pumunta ako sa clinic. At nakumpirma yung bagay na di ko inaasahan...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...

MAY KULITI AKO!!! BWAHAHAHAHA


For the first time in my life, nagkakuliti ako! Sayang, kala ko pa naman mauunfit to work ako, hindi pa rin pala. Kala ko pa naman nakakahawa siya... hindi pala... Mapapabili tuloy ako ngayon ng ointment para sa kuliti... haaayyy

0 comments: