Monday, March 5, 2007

Pulubi Days

Nung unang panahon, may isang batang nasanay sa luho. Lahat ng gusto niya, nakukuha niya. Lahat ng klase ng Barbie, meron siya, at linggo linggo, may bago niyang laruan na nasisira rin bago mag gabi.

Nanggaling siya sa isang prestihiyosong eskwelahan. Madami siyang pangrap. Bukod doon, mahal na mahal siya ng mga magulang - mali - nanay niya. Akala niya walang katapusan yun hanggang sa...


OK Fine, istorya ko to. Kala ko nun, pinaka pulubi days ko na yung wala akong pambili ng pink sago kay Manang Banta... hindi pa pala...

Babala: ang iyong matutunghayan ay totoong nangyari.

Pulubi days:
  1. Naalala ko nung nasa 2nd year college ako, di ako makapasok sa school dahil wala na akong pamasahe. Absent tuloy ako sa favorite subject kong Anal Geom at Psych.
  2. isang subject lang yung summer ko kasi WALA TALAGA AKONG PAMBAYAD.
  3. Di si mama yung nagpaaral sa akin.
  4. For the first time, sa ibang tao ako nanghihingi ng allowance.
  5. Wala akong pangload. Yung celphone ko na 5110 di ko mapalitan. Bale 3 buwan ata akong di makabili ng prepaid card nun.
  6. Huli lagi yung pambayad ko sa project.
  7. Nagtitipid ako ng pangresearch.
  8. Pinatulan ko yung piso per print sa likod ng SM Manila.
  9. Nag LOA ako.
  10. Nagbabaon ako ng lunch kasi mahal ang pagkain sa school. Nung nagsisimula ako sa Sitel, nagbabaon na rin ako ng lunch para tipid.
  11. Wala kaming telepono.
  12. Tinutulog ko na lang pag gutom ako.
At marami pang iba.

Haay.. buti na lang ngayon may pera na rin kahit papano...

0 comments: