Sunday, March 25, 2007

Last Chance...

Sa wakas!!! Nakita ko na rin yung mp3 ng fave songs ko... Nadownload ko na rin sa wakas ang mga sumusunod:

1. Say it - Voices of Theory
2. Music box - Mariah Carey
3. Higher - Creed
4. Standing at the Edge of the Earth - Blessid Union of Souls
5. If the feeling is gone - Kyla
6. Last Chance - Allure.

Masaya ako kasi nadownload ko na yung "Last Chance". May tape ako dati ng Allure, kaso napatungan ng telephone conversation.

Maraming memories sa kin yung kantang yun. Kanta ko yun... kanta ko para sa first love ko...

Naalala ko nung high school ako, pinatutugtog ko sya sabay iyak... kasi alam kong hindi na siya magiging akin dahil hindi nararapat, dahil alam kong hindi din niya ako kayang mahalin


Come to think of it, 7 years na pala ang nakakaraan. Ilang years ba akong umasa na mapapansin niya ako? Ilang years ba ako naghintay? Ilang years ba ang sinayang ko dahil hindi ako makapaglet go sa kanya? 7 or 8 years... I don't know if it's still counting.

Siya yung gusto kong partner nung bequeathal. Siya yung gusto kong maging 1st boyfriend, first kiss, lahat. Pati nga partner for life, siya rin sana gusto ko... pero di nga nangyari...

Ok na ako sa partner sa bequeathal. Kahit sana siya ang last dance ko... pero... hindi pa rin...

8 years.. 7 years... ang tagal na pala...

Pero importante pa rin sa king yung kanta. Hindi na bale kung kanino ko inilaan yung kanata. Importante yung memory ko nang dahil sa kanta...

0 comments: