Friday, March 16, 2007

Safety Engineering sa Call Center...??

Sabi ng nanay ko kahapon, may namatay day na agent sa call center ng dahil sa stress. Nakakatakot talaga, knowing na call center agent din ako. Naalala ko, nung first month ko dito sa RMH, nagkahypertension ako all of a sudden. Mas lalo naman nung nasa Sitel ako. Dami kasing a$$h0l3 na customers eh.

Kung tutuusin, di naman masyadong stressful yung kinalalagyan ko ngayon (chat support) dahil di mo naman sila naririnig. Ang nakakastress lang eh yung pag dalawang sabay na session ang ginagawa ko. Nakakawindang.

Lately rin naman, overfatigued na ako. Kapag nakasteady ako, parang umiikot ang paligid ko. Madalas din ako mahilo. 3 months kasing walang absent, tapos kinarir ko pa yung OT incentive. Pero di naman ako nagsisisi kasi naging 5k richer na naman ang bangko ko.

Last week, nag VL ako. Simula noon, di na ako nahihilo. Pero si mother dear, dahil nga dun sa news na yun, nag-alala na naman. Oo nga naman, may hypertension kasi ang unica ija niya di pwedeng hindi mag-alala. Kaya ayun, napapayag tuloy akong magpacheck up next week sa doctor. Haaay...

====================================================================

Sa bagay, may mga hazards talaga ang pagtatrabaho sa call center. Gaya na lang ng static electricity. Kala mo hindi delikado, pero according sa prof ko sa Safety Engineering, 3000 volts ang maximum ng Static Electricity. Pwedeng nitong mapahinto ang puso mo. Pwede rin nitong masira ang motherboard mo kung pasaway ka at binuksan mo ang PC mo sa work station. Patay ka rin sa IT pag ginawa mo yun.

Next is stress. Sa stress nagsisimula ang lahat - hypertension, cardiac arrest, asthma, sakit ng ulo, lagnat, at libog. Kaya mahirap mastress.

Susunod naman, yung tenga mo. Kung nasa phone support ka, may posibilidad na mabingi ka lalo na kung nakatodo ang volume ng headset mo. Ilang decibels lang ang kayang ihandle ng ear drum kaya dapat mag-ingat. At huwag kumain sa kama para hindi mapasukan yung tenga mo ng langgam. Nangyari na rin kasi sa kin yun. Ayun, nalagasan ako ng Php 1000+ para sa pagpapacheck up sa doctor at sa gamot na post-otic. Meron pa nga akong nabasa sa e-mail na namantay yung bata kasi napasukan ng langgam yung tenga nya tapos dumami at nagkalat sa brain niya... kinain yung utak niya... Eeeeewwww... pero syempre urban legend lang ata yun.

Yung mata naman, kailangan ingatan rin kaya di dapat palaging nakatutok sa computer. Dapat ipahinga rin ang mata, mahirap na ring mabulag.

Next is the throat. Magpahinga sa kakasalita. Huwag sigawan ang customer. Pero magandang excuse ang sore throat para umabsent at di magcalls kahit isang araw lang.

Sa mga katulad kong nasa chat support, pinaka problema eh yung carpal tunnnel. Di ko alam kung ano yun. Nabasa ko rin sa e-mail ko yun...

Kaya ang suggestion ko, pag may nararamdaman kang hindi maganda, pumunta ka na sa clinic. Ayaw mo nun, iwas calls ka kahit sandali. Mag vacation leave ka rin para mapahinga. Kesehodang unpaid siya, go lang ng go! Mag leave para mapahinga ang katawan.

Yun lang. Bow.

0 comments: