Wednesday, August 1, 2007

what a life...

gaya ng inaasahan ko, walang nangyari sa kin sa apat na araw na wala akong pasok. walang lakad, walang gimik, walang pera (kasi tinitipid ko yung pera ko). kaya ang ginawa ko na lang eh nanood ng tv. nanood ng tv. naNood ng Tv. NaNoOd Ng tV.

di rin naman ako makalabas kasi biglang umuulan ng hapon. kaya wala talaga akong choice kundi manood ng tv. o di ba?

isa pang magandang nangyari sa buhay ko, nasira na naman yung computer ko. balak ko na sanang tapusin yung chapter 30 ng novel ko at ibackup yung mga mp3 na dinownload ko. kaso, natuluyan na yung computer ko. boot na lang siya ng boot. ayaw na niyang pumunta sa post. kahit buksan ko siya n alas-singko ng madaling araw at buksan ng alas-singko ng hapon, hindi na siya bumubukas. buti na lang pala, nabackup ko yung mga importanteng files ko gaya ng mp3, resume, quotes, lyrics, pictures, sad quotes... di ko lang naisalba yung research papers ko at yung mga documentations ko para sa mga prototype namin. bad trip

pero ok lang din, kasi nung sabado may 2 akong nadiskubreng taiwanese series - yung "smiling pasta" starring cyndi wang, tsaka yung "ying ye 3 jia 1" starring joe chen and ming dao.

oo nga pala, before pala ng off ko, nanalo ako ng gift check sa starbucks. 100 pesos lang, at di ko pa nagagamit... well... balak ko namang gamitin nung sabado kaso nga di ako umalis di ba?? at gulat naman ako, pinicturan pa ako para dun... para ata may katibayang binigay na yung gift check ko di ba? hehehe


0 comments: