Thursday, August 2, 2007

Click on the My Computer icon

Ngayon ko lang napgatatanto ang kahalagan ng mabagal kong computer sa buhay ko. Actually, di naman siya mabagal nung una. Nakapag-install pa nga ako nung Sims 2 at Singles Flirt Up Your Life dun sa PC ko. Ewan ko kung anong nangyari, basta isang araw bumagal siya. Nagkaroon ng error sa CMOS, nagkaroon ng problem sa clock niya (or sa flip-flops nya... JK flip-flop o SR flip-flop?), dinapuan ng sandamakmak na spyware, trojan at virus, at marami pang iba. Sa totoo lang, isang virus o spyware na lang ata ang hindi pumipirma sa computer ko, pero mukhang nakapirma na siya kasi di na gumagana yung computer ko.... huhuhuhu

Goodbye WIndows Media Player, goodbye MP3, goodbye MS Word, goodbye internet, goodbye files... huhuhuhu buti na lang nabackup ko yung mga importanter files bago nalagutan ng hininga yung computer ko... hanggang sa mapagawa kitang mula

0 comments: