Saturday, August 4, 2007

Weeeeeeeee!!!

Last night, nung pauwi na ako, syempre pumara ako ng jeep. Pag para ng jeep, nagulat ako si si best friend Maan ay nakadungaw sa bintana. Weeee!!! As in todo tili ako pagakyat ko ng jeep kasi naman ilang years na kaming di nagkikita! Weird nga, kasi ang lapit lang ng house nila sa street namin, pero madalang kami magkita. Di gaya nung dati na kahit Saturdays, Sundays, Holidays, eh magkasama kami at namamasyal sa buong Project 2 at Project 3.

Ever since mga bata kami, palagi kaming magkasama. Siguro mapaghihiwalay mo kami kung absent yung isa sa min, kung papasok na sa klase, o magfifive yung isa sa min, yun lang. Pero pag susunduin na kami ng bus o kaya pauwi na kami... ayan na... simula na ng kulitan.

Kakampi ko rin si Maan sa lahat ng bagay, at maging sa natatangi naming kaaway na si Francis. Hehehe... basta siguro hindi ko malalagpasan ang childhood ko nang hindi ko kasama si Maan!

0 comments: