Tuesday, January 2, 2007

Scratch that...

May katangahan na naman akong ginawa...

Nagkaroon ng scratch (or basag ata...) yung screen ng phone ko (hindi yung mismong LCD, yung screen lang). Muntik na kasing mahulog yung phone ko kanina, tapos sinalo ko siya sa pamamagitan ng malaki kong legs, tapos inipit ko sa table na bakal na patungan ng keyboard. Ayun, nagka scratch (or basag) yung screen. Katangahan talaga o...

Nakakainis, I don't even know if I can live with it. Mahal pa nga ata yung casing ng Sony Ericsson. Haaayy, bad trip talaga...

0 comments: