Tuesday, June 30, 2009

Here we are again...

Eto na naman tayo...

I'm writing this letter to you, although there's a slim chance you would be able to read this. But nevertheless, I'm writing this to you.

I miss you.

You know that I do.

You know that we have been together for more than 10 years. We have been through thick and thin. We've seen each other at our worsts and at our weakest. We have shared each other's thoughts and secrets. Andun ako para sa'yo nung panahong nagrerebelde ka. Andyan ka naman para sa kin nung panahong may problema ako. We give each others advices that we don't seem to listen to. Gaya nung sinabi mo sa king kalimutan ko na sya. At gaya ng panahong sinabi ko sa yong makinig ka sa mama mo. Ikaw yung takbuhan ko pag kailangan kong umiyak. Ganun ka rin sa kin. Mas madalas ikaw yung ganun sa kin. In you, I find the courage to make the most crucial decisions of my life. May mga times na mas nauuna ka pang makaalam ng magagandang nangyari sa buhay ko kesa sa nanay ko.

Palagi tayong may tampuhan, kasi may mga bagay akong nagagawa na nakakasakit sa yo. Pero minsan, ganun ka rin naman. Nagkataon lang na ako palagi kitang iniintindi. Ako, minsan hindi mo ako naiintindihan. Gaya na lang nung nagtampo ka sa kin dahil di kita sinamahan mag-apply sa trabaho. Sige, sabihin na natin na ma excuse ako kaya di kita nasamahan, kasi nung mga panahon na yun alam mo naman na wala akong ibang maaasahan sa trabaho. Gaya rin nung panahong nagkasagutan tayo dahil sa isang bagay na gusto mong gawin na kinontra ko. Kumontra ako kasi alam kong may mga bagay pang pede mong paglaanan ng panahon at pera.

Ngayon, nagalit ka sa kin ulit dahil di kita pinagbigyan sa isang bagay. Kung di man kita napagbigyan, I'm sorry... Sorry kung naging maramot ako.Sorry kung sa palagay mo hindi kita pinagkakatiwalaan. Yung totoo, buo ang tiwala ko sa yo. Yung totoo, hindi lang ikaw ang may problema sa ganung aspeto. I'm sorry kung sa palagay mo di ako naging mabuting kaibigan dahil hindi kita napagbigyan. At nang dahil dun, halos kalahating taon ata tayong di nagusap. Kung dati, linggo lang yung binibilang, ngayon alam kong galit na galit ka sa kin kasi ilang buwan mo na akong di kinakausap.

Kung mababasa mo man ito, sana maintindihan mo ako. Sana magkabati na tayo. Namimimiss na kita, at namimiss ko na rin yung batang halos itinuring ko na ring parang anak...

0 comments: