Thursday, April 12, 2007

Until the time is through - Eksena sa utak ko Part 2

"Now and forever... until the time is through..."

Ilang beses ko na bang pinatutugtog ito sa mp3 player ko. Kakadownload ko lang nito kahapon.
Swerte at nadownload ko siya. Sa pagkakaalam ko, summer yun bago ako mag 4th yeat sa St. Jo nung sumikat itong kantang ito.

Maaring nagtataka ka. Bakit may sariling entry itong kantang ito? Simple lang ang sagot: matagal ko nang hindi naririnig ito kaya naman may entry siya dito.

"I can't believe it, don't know where to start...So many questions deep inside my heart..."

Meron din kasing sentimental value itong kantang ito sa kin eh. Eto ang pasimuno ng lahat. Kasi
lahat ng gusto kong sabihin andito na. Pero, kahit ganun pa man, hindi ko masabi.

Kailangan pa ba niyang malaman? Noon kasi, sabi ng tropa kausapin ko siya para clear ang lahat. Baka sakaling mawala yung nararamdaman ko. Naniniwala kasi silang bukod sa sarili ko, siya lang ang makakatulong sa kin.

Marami rin akong tanong sa kanya. Bakit ba ako na inlove sa yo? Bakit sa dinami-dami ng gwapong lalaki sa mundo, ikaw pa? Ganun ka rin ba sa kin, o mas pipiliin mo siya? May nararamdaman ka rin ba sa kin kahit papano?

Pero di na nasagot ang tanong na yon. Tanong pa rin siya hanggang ngayon...

"Give me a moment before you go, there's something you ought to know..."

Dapat pa kaya niyang malaman? Naalala ko nun, naglasing pa ako para may lakas ako ng loob na sabihin sa kanya, pero sa awa ng Dyos, di ko nasabi dahil sa sobrang kalasingan. Di ko rin alam
kung nagets nya nung huling nag-usap kami bago ako malasing. Arrr... pag-ibig nga naman...

Lumipas ang pitong taon at hindi ko pa rin naipagtatapat ang unrequited love ko.

"Baby,now and forever... until the time is through, I'll be waiting here..."

Ang tagal din ng inantay ko, pero di ko pa rin masabi-sabi sa kanya. Ang tagal kong nagpakatanga, napunta lang lahat sa wala...

Pero gayunpaman, masaya ako kasi nakilala ko siya. May dahilan kung bakit...

Ngayon, pag naririnig ko itong kantang to, ang pumapasok sa utak ko... Boy Band na nagpeperform sa asap, with matching steps at makukulay at terno ternong damit...

Hanggang sa susunod na eksena sa utak ko!

0 comments: