Wednesday, April 25, 2007

Resigned

Hindi ako ang nagresign, kung di ang mahal kong best friend na si Pie.

Alam kong darating din ang araw na ito. Hindi na namin makakaila yun. Si Pie ay isang kaawaawang nilalang na biktima ng lipunan at pulitika sa Call Center. Nakakainis kasi napaka judgemental kasi ng mga empleyado sa isang Call Center na itago natin sa pangalang Owwwwsss.

Yun ang mahirap sa ating mga pinoy eh, hindi natin binibigyan ng tsansa yung mga batang gustong magbagong buhay. Well, di ko naman sinasabing nagbabagong buhay si Pie. Sa kin lang, ngayon pa lang niya napapatunayan ang kakayahan niya matapos niyang mastroke at dapuan ng sakit na demayelie... demyelie... demielye... demel... ahhh ean basta yung kahawig ng multple osteoporosis, este, sclerosis pala.

Dalawang taon sin kasing nagkulong si best friend. Kahit anong pilit kong kumbinsihin sa kanyang kaya pa niyang gawin yung mga bagay bagay na ginagawa nya dati, hindi siya naniniwala. Bumababa yung self-esteem, self confidence, self reliance, at bookshelf nya sa sarili. Kungbaga, ang iniisip nya, ang kaya na lang niyang gawin eh mahiga, manood ng tv at mag-alaga ng anak.

Tama na rin siguro na magresign si Pie sa Owwssss. Kasi naman, galing na siya ng Ambergris, pinagtyagaan pa nya ang Owwwssss. Kaya ayun... Owwwsss...

Sana lang makahanap agad ng trabaho si best friend dahil malamang mangungulit na naman yan sa telepono...

0 comments: