Monday, April 9, 2007

Syete, naiinlove na ako sa PC monitor ko...

4 pm Manila Time. Yan ang start ng shift ko. 3 pm pa lang, nasa opisina na ako para magset-up ng tools, makipagchikahan sa mga kaopisina, mag-antay ng log-in time, mangulit sa clinic o sa HR, at para magbrowse. Ganyan ang buhay ko. 4 pm na shift. 4 na oras na walang chat session. Walang magawa sa buhay.

Natigil lang ang lahat ng mahuli ako ni "Mama bear" na bukas ang IM at browsing without permission. Haaay... saklap ng buhay... kaya eto, kapag walang session, nakatitig sa monitor. Nakikinig ng mp3, nageemote, nagiisip ng kung anu-ano, nakatitig sa monito. Pero mas madalas, nakatitig sa monitor.

Minsan naluluha ako, hindi dahil sa may naalala akong makabagbag-damdaming tagpo, ngunit dahil sumasakit ang mata ko kakatitig sa monitor. Minsan nga, parang nakikita ko na ang hagdan patungong impyerno pag nakatitig ako sa monitor. Ang saklap nito, parang naiinlove na ako sa monitor ko... syet!

Sa lahat ng bagay na pwede akong ma-in love, sa monitor pa. Kasi pag tinititigan mo, parang gumaganda... marami kang naiisip na bagay na pwedeng gawin. Marami na rin akong naisip na entry para sa blog ko.

Syet... ayoko ng ganito... maghahanap lang ng unconditional love, sa monitor pa... Mozilla!!! Asan ka na ba?

0 comments: