Thursday, April 5, 2007

Maudlin Thursday

Mahal na araw ngayon (Maundy Thursday to be exact), at wala akong ginawa ngayon kundi makinig ng senti na music. Senti, sad songs... you name it! Pinakamasayang kanta pa lang na naririnig ko ngayon eh yung "Zen Me Ban" ng S.H.E. Nakikiuso ba ako sa season ngayon, o eto talaga mood ko? Me thinks...

Di naman ako malungkot. Masaya pa nga ako kasi last tuesday eh nagkita na rin kami sa wakas ni Pie. OK naman ako... well, for the fact na di ko aabutan mamaya ang Hana Kimi at bukas ko pa mapapanood ang rerun, at sobrang miss ko na si Wu Zun, eh OK naman ako. Enjoy pa rin ang single life ko...

Pero bat nga ba ako nagpapakasenti ngayon? Siguro kasi, yung first 100 songs sa MP3 player ko eh senti. Kasi hinanap at dinownload ko yung mga sad songs na gusto ko. Kasi yun ang gusto ko dati. Kasi mahal na araw ngayon at di pwede ang mga kantang gaya ng "Itaktak mo" at "Boom Tarat".

At eto ako ngayon, inuulit ko na naman ang makabagbag-damdaming kantang "How do you heal a broken heart" ni Chris Walker. How do you heal a broken heart... hmmm... magandang topic para sa isang entry ko dito... pero pass muna ako dahil hindi ako broken hearted.

Parang kailan lang (haaay... eto na naman ako - sabi ng alter ego ko) may isang tao akong iniiyakan. Yung parang pag naririnig mo yung intro ng malungkot na kanta, o mabasa mo lang ang sad quote sa telepono mo, papatak na ang luha mo. Hindi ko namimiss yun. Mahirap nang magsayang ng luha sa taong hindi ka naman pinapahalagahan, at kilala.

Parang kailan lang, naging therapy ko ang mangolekta ng sad quotes, makinig ng sad songs, at magbasa ng sad stories. Noon, sabi ko pa sa sarili ko, hinding hindi ko ipapapanood sa anak ako ng Little Mermaid na version ni Disney. Kasi hindi lahat ng fairy tales, happy ending. Hindi lahat ng prinsipe at prinsesa ay nagkakatuluyan. May exception.

Parang kailan lang, dinadama ko ang story na binabasa ni Joe D' Mango sa Lovenotes. Pero ngayon, natatangahan ako sa mga nagsusulat sa kanya... Simple lang naman ang solusyon sa problema nila eh - LET GO...

Hindi na senti ang pinapakinggan ko ngayon, "Higher" ng Creed. Minumuni muni ko na lang ang alaala ko nung high school... hehehehe

0 comments: