Bawat kanta, may naiisip akong scene at pwedeng i-emote gaya ng mga sumusunod:
If the feeling is gone (Kyla) - naaalala ko, madalas ko itong mapakinggan SIMULA nung sagutin ko ang last BF ko (FYI: pag nakakarinig ako ng sad songs at may karelasyon ako, expect ko na mga after 3 days break na kami). Pwedeng background music pag nahuli mo ang syota mo na may kahalikang ibang babae sa pad niya, at nang nakita mo, nag-walk out ka. Maglalakad ka sa side walk habang pinipigilan mo ang luha mo na tumulo sa iyong mga mata (naks! napaka makata!)
Hanggang Ngayon (Kyla pa rin) - naging favorite song ito nung ex-bf ko. Nung friends na lang kami. Naalala ko nung nakikinig ako sa "Slow Jam" ng Magic 89.9 (basta sunday night yun...) intro pa lang, nagsasalit na yung DJ at sinabi nya... "Dianne, you have to accept the fact that Carlo's gone..." Gone? anong klaseng gone? Gone as in hindi na babalik sa yo kasi may iba na? O, gone, na dedbols na? Tapos sabi ng DJ, "He will never come back..." Ahhh... dedbols na pala ang BF ni Dianne na si Carlo (sa pagkakaintindi ko...) kaya pag naririnig ko ito, ang eksena sa utak ko eh namatayan ako ng syota... bagay ito sa mga namatayan... hehehe
Standing at the edge of the earth (Belssid Union of Souls) - anime ang naaalala ko dito. Naaalala ko kasi yung eksena na si Detective Conan eh nakatayo sa cliff, nagiisip kung sino ang lumason sa kanya, sabay sina Yoji, Aya, Ken at Omi eh sumusugod, at si Recca eh nagpakawala ng dragon. Sa commercial ng anime sa GMA 7 ko ito narinig. Kaya pag naririnig ko ito, feelin ko ako si Detective Conan na nakatayo sa cliff...
Invincible (Christian Bautista) - parang super heroes na may kakaibang powers. Yun lang.
My Boo (Usher and Alicia Keys) - kasayaw ko yung crush ko nito nun eh... kaya sya ang naalala ko pag naririnig ko ito. At si BuBu pala na kumakanta ng "1...2...3... My Oh, my oh, My BoooOOooOO" may kulot na ang boses ng inaanak ko hehehe
Warrior is a Child - naalala ko si Rico Yan kasi yan yung pinatugtog nung libing niya. Pero naiimagine ko dito si Prince Alexi sa story ko na "Warlock and Thieves", yung isa sa ga di matapos-tapos na novela ko.
If I was the one (Ruff Endz) - ito yung kanta ko sa mga crush ko. Syete! kung ako na lang niligawan mo, eh di sana hindi ka badingerzi ngayon? Kung ako na lang sana pinili mo, eh di masaya life mo! Aalagaan kita, di kita sasaktan, at mas lalong hindi kita paiiyakin... magpapakamartyr ako sa yo, magbubunjee jumping ako para sa yo... yun na yun!
Marami pa yan... kaya mag-iisip muna ako para sa part two
0 comments:
Post a Comment