I'm always looking forward for a great summer. Noong bata ako, parang ang bilis lang magdaan ng March, April at May, tapos pasukan na agad. Ang bilis ng panahon. Minsan, iniisip ko, sana hindi na matapos ang summer. Gusto ko kasing magtulog buong hapon, manood ng TV buong hapon, mag outing, at ayokong isipin ang school. Gusto kong gawin lahat ng gusto kong gawin. Lahat! Pati paglalakwatsa dapat gawin ko.
Madalas pag summer, dun ako nagbabakasyon sa mga pinsan ko. Hindi ko alam kung ilang linggo ako dun, basta ang importante, kasama ko yung mga pinsan ko at naglalaro kami. Gumagawa kami ng bracelet yari sa mga ribbon (yung dalawang kulay) tapos bebentahan namin yung mga kapitbahay. Minsan naman, tatambay kami sa tindahan, kakain ng merengue at iinom ng Mountain Dew. Minsan naman, maglalaro kami ng taguan dun sa lote ng tropa ng pinsan ko, aakyat sa bundok ng lupa at buhagin sa katabing lote ng mga pinsan ko, o di kaya magcacamping sa bakanteng lote. Di pa gaano kainit nun, kaya wala kaming paki sa sunburn at ok lang kahit maghapon kaming nasa labas. Minsan naman, sasama ako sa nanay ko sa trabaho niya tapos maglalaro ako sa likod ng simbahan kasama yung mga "tropa" ko. Minsan naman, may summer classes ako, either piano, organ or review. May time na tambay lang ako sa mall kasama ng tropa ko sa school. Nanonood ng sine, mag-aarcade, or wala lang. Dun lang kami sa mall para magpalamig. Minsan din, nagpupunta kami sa beach. Ganon lang ang summer ko: ineenjoy ko ng husto kasi alam ko pagdating ng June, pasukan na naman. Ineenjoy ko rin kasi alam ko pagtumanda na ako, hindi ko a mararanasan ang magkaroon ng summer vacation...
Di ko rin masaydong nafeel ang summer nung college ako. Pano kasi madalas may pasok ako at 3 weeks lang ang summer vacation ko. Mas lalo naman nung nagtrabaho na ako. Kailangan kasi araw-araw pumasok para may kita.
Nakakamiss yung summer vacation pag bata ka. Ang dami mong pwedeng gawin, na hindi mo magawa pag nasa school ka. Ang nakakainis lang ngayong summer na ito... SOBRANG INIT!!!!!!!!!!!!!
Saturday, April 28, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment