Alam ko na ang peso natin ay nadevalue na. Alam ko rin na ang prototype for the Kilogram eh medyo di na accurate dahil nababawasan na ang atom nya, at di na siya exactong 1 kg, siguro mga .9999999999999999999 grams na lang siya. Pero, alin ba sa piso at sa kilo ang talagang nagpapaunti sa mga bilihin, lalo na sa pagkain?
Kanina kasi, bumili ako ng paborito kong Cloud 9. Nung mga nakaraang taon, malaki naman siya. Pero ngayon, feeling ko bumili ako ng bite-size na chocolate sa liit nito. Gawin din nating example ang Big Mac ng McDo. Dati, nung highschool ako at $1=Php30+, ang Big Mac ay BIG MAC. Ngayon, ang Big Mac ay big mac na lang. Di na nakakabusog, di gaya nung dati na pag kinagat mo eh di kasya yung sandwich sa bunganga mo. Another example eh yung isang kilo noong unang panahon. Sabi ng nanay ko, nung kapanahunan nila, ang isang kilong bigas eh madami na talaga at umaabot ng ilang araw sa kanila. 8 pa silang kumakain nun. Ngayon, kahit 2 lang kayong kakain, di aabot ng isang linggo ang isang kilong bigas.
Kasabay ng pagtaas ng bilihin, bakit ba pati yung timbang ng mga binibili natin eh nagiging kulang na? Kulang na ng pera mong pambili, kulang pa ang ibibigay sa yo. Parang kaso ng kung alin ang mas mabigat - yung isang kilong pako o yung isang kilong bulak. Ang dapat na sagot dun eh pareh lang sila ng timbang. Ngayon, yung pako na yung mas mabigat kasi nabawasan ng isang guhit yung bulak.
Ah, tama! May daya pala yung timbangan kaya kulang yung dapat na isang kilo... syet!