Umuwi ako ng bahay kagabi mula sa 11 hours na shift plus 34 minutes na OT to find na naputulan na kami ng ilaw. Taena, nakikikabit na lang nga sa kapitbahay, di pa mabayaran yung ilaw. Kung sana yung pinanggimik nung taong responsable sa pagbabayad ng ilaw eh pinambayad niya agad ng ilaw, di sana kami magkakaproblema ng ganito.
Sanay naman ako sa bahay pag walang ilaw. Dumating din kasi yung time na hals 3 buwan kaming walang ilaw kasi hindi nabayaran. Hindi siya nabayaran kasi pinanggastos nung magaling kong tito yung perang pambayad ng ilaw sa beerhouse. Gusto nya nung time na yun na magdusa kami ng nanay ko. Ewan ko kung ano ang motibo nya ngayon kung bakit di niya binayaran yung kuryente. Siguro gusto niya ako magbayad nun.
Hello!!!! Ako na nga sa pagkain, ako pa magbabayad ng ilaw? Kami na nga nag-aalaga sa maldita nyang anak, kami pa sasagot nun? Ang lakas kumain nung asawa niya kaya minsan pag niluluto na yung ulam para hanggang sa gabi, hindi siya umaabot ng gabi dahil nilalamon ng asawa niya!
Bad trip talaga... pakibukas ng yung ilaw!!! #$%#@#$$T%
Saturday, July 14, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment