After ng shift ko nung sabado, nagkita kami ni Coco Jam para magkape. Actually, dapat manonood kami ng "Transformers" kaso dahil walang sinuweldo si coco at wala rin akong pera kahit kasusuweldo ko lang, napagdesisyunan na lang namin na magkape sa pinakamalapit na kapihan. Dapat isasama namin si Pie-tots, kaso, kahit sweldo din nya nung byernes at nakuha na nya ang backpay nya sa Owwwwsss, la pa rin sya pera dahil di pa nya napaencash yung tseke, at kailangan nyang magbigay ng pera kay Tita Shirley for her MRI.
Umaga pa lang, pinaguusapan na namin kung san kami magkikita ni Coco. sa McDo Quezon Ave kami nagkita. Tapos nung hapon, tumawag si Pie-tots sa kin kasi nga hindi sya makakasama.
Dahil alam kong late si coco, nagstay muna ako sa office ng hanggang quarter to 9. Pagdating ng 9 PM, pumunta na ako sa Mcdo. In fairness, di sya late ngayon ha? Dapat sa Timog kami magkakape, kaso niyaya ko na lang siya sa Starbucks dito sa Loop para malapit. Nagkuwentuhan ng konti, uminom ng kape, tumambay ng 2 oras, nagkuwentuhan tungkol sa buhay buhay (at oo, tinanong ko SIYA), at pinilit ko syang lumipat ng trabaho at tanggapin na yung offer sa Affinity para naman makagimik na kami. 11na kami nakauwi, at in fairness na naman, sabay kami umuwi. Nagjeep lang kami at nadaanan namin yun entrance sa Sikatuna Village. duna dati nakatira sina Coco at Claire, at dun kami madalas tumambay ng tropa sa bahay nila. Naalala ko nun, da best tumambay sa kanila, lalo na dun sa office nila dati. Kami kami lang.
Sabay hirit si Coco ng "Simula nung magcollege tayo, di na tayo masyadong nagkakasama..." syempre naman. Busy busyhan na lahat ng tao eh. Guamagawa ng report, nag-aaral para sa exam, buti nga kahit papano, intact parin kami. Nakakamiss yung dati pero ganun talaga. Naghiwalay kami sa Aurora. Sabay sa pagbuhos ng ulan, nagpaalam na kami sa isat isa at tumakbo para sumilong.
Wednesday, July 4, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment