Shocking ang nangyari sa akin last Saturday...
Binalita ng nanay ko na naarbor nya sa tita ko yung isang bagay na pinakaaasam asam ko. Akla ko pa naman, yung laptop na yung naiuwi nya, yun pala yung bolang bilog (ala LJ) yung inuwi niya. Medyo dismayado ako pero ok na yun kasi inaasam asam ko rin yun (kasabay ng pagasam ko dun sa laptop).
In fairness sa bola, ang hirap niyang gawing bola at lagyan ng hangin sa loob. Bago ko siya nalagyan ng hangin, nakaburn na ako ng estimated 10000 calories. Solve naman sa pagbomba ng hangin kasi para ka na ring nagexercise, kaso parang sumakit yung carpal tunnel ko sa kakabomba.
Kinaumagahan, pinilit kong gumising at tumayo mula sa pinakamamahal kong kama at sinubukan kong magexercise gamit yung bolang yon. Masaya namanmagexercise kama ang bolang iyon, kaso kakapagod kaya naisipan kong matulog ulit matapos magexercise. The next day, ganun din ang ginawa ko pati nung Tuesday. Di ko na ginamit yung bolsa nung Wednesday dahil masakit ang tyan ko...
Anyway, nung Sunday naman, may unexpected visitors naman sa bahay - yung asawa ng nakakabatang kapatid ng lola ko at tsaka yung apo niyang si Dennis. OK lang naman yun para at least eh may kalaro yung maldita at sutil kong pinsan. Pero parang feeling ko, masstress ako ng sobra dahil dalawa na ang bata sa bahay. Isama mo pa yung lolo ko na makulit...
Una, di ako masyadong makapanood ng TV dahil si Dennis ay nanonood ng cartoons. Kaya kahit gusto kong manood ng Arirang o ng CTS o ng Discovery channel, mukhang di ako makakalusot sa batang ito.
Pangalawa, pag magakasama si Jena at si Dennis, ang gulo ng mundo ko. Ang gulo nila at ang likot, kahit sawayin ko sila na wag pupunta sa kwarto ko, pupunta pa rin sila dun at maglalaro. Wala na akong privacy. Sumasakit na yung ulo ko sa kanila.
Pangatlo, palaging nag-aaway tong dalawang batang ito. Ang nakakainis pa eh masyadong pasaway yng dalawa. Palagi kong pinaaalalahanan si Dennis na magtsinelas kasi maalikabok yung floor sa taas. Pwede na ngang magtanim ng kamote sa kapal ng dumi sa paa nun eh. Tapos, ang baaaggggggggaaaaaaaaallllllll niyang kumain. Si Jena naman, napaka bratty naman. Pagnakuha nya yung isang bagay sa kwarto ko, kanya na yun. Wala nang balikan. Kaya ayokong pinaakyat ng room ko yung spoiled brat na yun eh. Kailangan pang daanin sa dahas yung batang yun.
Sabi nila, patience is a virtue, pero nauubos na ang patience ko sa mga batang ito.
Thursday, July 12, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment