Sa bawat istorya, lalo na kung drama, palaging may kaibigan ang bida na napaghihingahan nya ng kanyang saloobin. Ito yung taong nagbibigay ng advice sa bida, at nagsasabi kung anong dapat niyang gawin. Hindi masyadong nakafocus ang istorya sa kanya dahil hindi naman sya ang main character. Kung manalo man siya ng award, malamang eh "Best supporting actor/actress" ang mapapanalunan nya. Ang tawag sa taong ito eh side kick. Pagandahin natin ng konti - supporting role lang.
Gaya sa drama, di natin napapansin na sa tunay na buhay ay may mga sidekick. Sila yung mga kaibigang single, at nasasabihan mo ng problema sa relasyon nyo ng jowa mo. Sila yung mga taong walang date kaya naaaya mong maging chaperon sa date nyo ng crush mo. Sila yung mga taong concerned sa 'yo, na ipaglalaban ka sa mga kontrabida na umaaway sa yo, at gusto kayong paghiwalayin ng syota mo. Sila yung walang magwa kundi sumama sa yo para sundan ang boyfriend mong nangangaliwa.
Ang nakakainis lang minsan, lalo na sa drama, parang walang pakialam yung bida sa sidekick nya. Para sa kanila, sila lang ang umiibig at nasasaktan. Minsan ba, tinanong ba ng bida sa teleserye kung kamusta ang love life ng friendship nya?
Sa totoong buhay, mahirap maging dakilang sidekick at best friend. Maabsorb mo lahat ng emotions. Nagiging emotional vampire sila, at ikaw yung nagiging prey. Ikaw lang kasi ang shoulder to cry on nila. Minsan nakakasawa rin yung paulit ulit na daing sayo. Minsan mag-addvice ka or magbibigay ka ng dapat nilang gawin, di naman nila sinusunod. Minsan maiinis ka na lang sa nangyayari sa buhay nila.
Sa totoong buhay, walang award para sa mga side kick. Siguro, pwede ka lang ilibre ng "bida". Kasama ka sa date, pero ikaw ay walang kadate. Parang minsan, wala ka ring masabihan ng problema mo. Gusto mong sabihin sa bida, pero marami rin siyang pinoprobleman, kaya wala kang choice kundi sarilinin ang lahat. Pag solve ka na, yung problema naman ng iba ang aatupagin mo.
Pero masaya rin naman maging sidekick kahit papano. Dahil alam mo na ang pinagdadaanan ng bida, alam mo na rin kung ano ang tamang gawin sa isang sitwasyon. Alam mo kung kelan ibibigay ang lahat lahat, alam mo na kung kelan ka magtitira ng konti para sa sarili mo, at alam mo na kung kelan ka susuko. Kung baga, yung phase na pinagdadaanan ng bida eh nagiging learning stage mo rin. Kaya pag ikaw naman ang nandun sa sitwasyon na yun, wala na ring thrill kasi alam mo na ang outcome.
Hindi madaling maging sidekick. Hindi ko rin naman sinasabing madaling maging bida. Pero kung ako ang tatanungin, sana paminsan minsan hindi lang nakafocus ang destiny sa bida. Alam ko, kasi isa akong dakilang sidekick.
Friday, July 6, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment