Sabi nila, ang mundo daw ay isang  napakalaking classroom kung saan ka hinahainan ng sari-saring leksyon tungkol sa  buhay. Kung si Robert Fulghum, maraming natutunan nung Kindergarten sya, ako  naman, may mga natutunan sa kakikayan. At ang aking mga teachers: kuko, sapatos,  at anklet!
The chipping nail polish
Nagta-type ako sa  keyboard nang mapansin ko na nagsisimula nang mag-peel yung nail polish sa kuko  ko. Kaagad akong naglagay ng top coat. Nabasa ko kasi sa Cosmo na iyong top  coat, nagpapatagal ng kulay ng nail polish. At nagpe-prevent na mag-chip iyong  kuko.
Pero noong sumunod na araw, lalong lumala iyong pag-peel ng  nail polish. Medyo nalungkot ako. Kasi, wala nang makakapigil pa sa pagkakasira  ng kulay ng kuko ko.
Pero kung iisipin natin, ang nail polish, parang  life lang yan. No matter how hard we try to make it last or stay longer, we  couldn't stop the inevitable. Lahat ng bagay, nag-de- the end. Hindi mo na  kayang pigilan ang nakatadhana. May mga relasyon na hindi nagtatagal. May mga  pagmamahal na namamatay. Kahit na tambakan mo man ng top coat ang kuko mo, kahit  anong ingat mo man, matatanggal at matatanggal pa rin ang nail polish. Kaya  burahin mo na lang at ihanda ang mga kuko sa bagong nail polish na i-a-apply mo.  Kailangan mo mag-move on. At magsimulang muli. Pero dapat, bago ka mag-apply ng  bagong nail polish, siguraduhin mo na wala ng trace ng lumang nail polish. Bago  ka pumasok sa panibagong relasyon, dapat, completely over ka na doon sa dati.  Parasimula ka sa clean slate, di ba?
Lesson learned: Huwag malungkot  kung may isang bagay na natapos. Puwede ka pang magsimulang muli. At puwede kang  sumubok ng mas magandang nail polish.
The perfect  shoes
Kailangan ko bumili ng old rose na sapatos na babagay sa aking  damit. A-attend kasi ako ng kasal ng kaibigan ko. Alam nating lahat kung gaano  kahirap maghanap ng perfect na sapatos. Lalo na kung old rose ang kulay nito.  Dalawang oras yata ako naglibot sa Glorietta para lang makahanap ng  sapatos.
Hanggang nakakita ako sa Landmark. Hindi siya old rose kundi  pink pero pagod na ako maghanap. At desperado na ako dahil malapit na silang  mag-sarado. Kaya nagpasya ako na pagtiyagaan na lang kung ano iyong nandoon.  Kahit hindi naman talaga iyon ang gusto kong bilhin. Puwede na iyan, naisip  ko.
Noong hiningi ko ang size ko doon sa tindera, sinabi sa akin na hindi  na sila nagtatanggap dahil sarado na sila. Noong pauwi na ako, I realized that  that experience was trying to tell me something. Maybe it wasn't meant to be.  Maybe I shouldn't settle for anything less. Paano kung binili ko nga iyong pink  na sapatos tapos may nakita akong old rose na sandals? Baka sinasabi sa akin ng  tadhana na kailangan maging patient ako, at mag-hanap pa sa ibang mall para  makita ang tamang sapatos.
Kinabukasan, nakahanap ako ng old rose na  sandals sa Megamall. As in bagay doon sa damit ko. At nabili ko pa ng sale! Kung  pinagtiyagaan ko iyong nasa Landmark, siguro hindi na ako naghanap sa ibang  mall. At siguro, nagtitiis ako sa pink na sandals ganoong mayroon naman palang  old rose.
Lesson learned: Don't settle. Minsan, dahil sa pagod na  tayong maghintay, o dahil sa desperado na tayo, pinagtitiyagaan na lang natin  kung anong nandiyan. Parang wala na tayong ibang choice. Pero kung tutuusin,  kung maghihintay lang tayo, at maging patient, darating din iyong para sa atin.  At hindi lang sapatos ang tinutukoy ko. It could be the right guy or the right  job or whatever.
The misplaced anklet
Noong binigyan  ako ng kaibigan ko ng blue na anklet, sobrang na-excite ako kaya sinuot ko siya  agad. Pero dahil lagi akong nakamaong, at hindi nakikita ang anklet ko,  nag-decide ako na gamitin sya as bracelet. Maluwang sya, oo, pero keri na rin.  Alam ko hindi iyon ang dapat nyang lugar, kaya nga siya anklet eh para sa ankle,  di ba? Siguro, feeling ng anklet ko, misplaced sya... na hindi iyon ang dapat  nyang kalagyan. Pero noong ginamit ko siya bilang bracelet, napansin siya ng mga  tao. Ang dami nga nag-bigay ng compliment at sinabing ang ganda daw ng bracelet  ko.
"Kaya lang, parang maluwang," sabi noong isa. Inamin ko na na  anklet talaga iyon kaya maluwang. Misplaced anklet nga siya. Pero at least  nare-recognize naman siya. Kesa naman gamitin ko as anklet, walang makakapansin  sa kanya.
Kinabukasan, ginamit ko siya uli. Noong tanghali, napansin  ko na lang na wala na sa braso ko yung anklet. "Nilayasan ka na ng anklet mo  kasi hindi niya nakayanan na ginagawa mo siyang bracelet," sabi ng kaibigan  ko.
Tinawanan ko lang siya. Pero napa-isip ako. Bakit ko ba kasi pinilit  na gawing bracelet ang anklet? Parang pinipilit ko ang isang tao na umasta ng  hindi naman natural sa kanya. Akala ko kasi, mas okay yun kasi nare-recognize  siya, kahit na hindi naman talaga iyon ang purpose niya sa  buhay.
Lesson learned: Ang anklet ay para sa ankle, hindi sa wrist.  Hindi mo puwedeng idikta sa ibang tao kung ano ang dapat nilang gawin, at kung  saan sila pupuwesto. Kahit na sabihin mo na para sa ikabubuti nila ang ginagawa  mo, kung hindi naman sila masaya, bale wala rin. Baka mawala lang sila sa  iyo.
Sabi nila, ang mundo daw ay isang napakalaking classroom  kung saan ka hinahainan ng sari-saring leksyon tungkol sa buhay. Ano kaya ang  puwedeng matututunan sa walang kulay na lipstick? O sa anti-dandruff na shampoo?  O sa plastic eyelash curler? O sa pekeng Prada wallet na binebenta sa bangketa?  Ah, ewan? makapag-lagay na nga lang ng bagong nail  polish.
Sunday, May 27, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
 
 

1 comments:
May anklet din ako noon, sinuot ko siya for 7 straight years nang hindi tinatanggal. Kaso nasira na siya kahapon. :( I wrote it about in my blog. Kung gusto mong basahin, go lang. :)
Post a Comment