Inaamin kong hanggang ngayon, nakatago pa rin yung mga high school stuffs ko. Anjan yung mga Cattleya notebooks ko nung 4th year sa mga ilang subjects, yung mga notes na pinapasa namin ng tropa pag walang magawa, yung mga stories na pinipilit kung tapusin pero hind talaga matapos, yung nagiisang chapter ng "Bonny Rustics" na nasa akin (although hindi ko alam kung nasan na yun, tsaka yung chapter na sinundan nun), mga letters, mga larong ginawa namin, mga poems, lyrics, diary, quizzes, grades, chuva, eklavu... yung mga stuffs na ganun lang.
For so many years, meron akong memory box na tinatago-tago. Importante kasi yun sa kin. Lahat ng rare stationeries ko, dun ko nilalagay dati. Yung mga cute things, mga letters, sticker, frienship bracelet nung nagpunta kami ng Fair ng Claret, ticket sa concert, lahat ng may importanteng memory nakalagay dun.
Sayang lang nga, hindi lahat ng sulat, naitago ko. Hindi lahat ng story, na preserve ko. Merong particular letter pa nga nun na nabasa ng nanay ko, kasi akala nya nag-aaway kami ni Pie dahil nga sa tsismis sa kanya dati sa school about kay... basta siya. Meron din dati binigay si Pie sa kin na newspaper clip na may quotations from the book ng "Thick Face, Black Heart" (sana tama yung title...) pero nung minsan na tiningnan ko yung memory box ko, wala na.
Nung nagcollege naman ako, triny ko na magkaron ulit ng memory box, pero wala naman akong masyadong mailagay dun aside sa CM ko nung 1st yr. - 1st sem at yung grade ko at midterm test permit. Yun lang. Nagpasya kasi ako na hindi masyadong masaya ang karanasan ko nung college (lalo na ang love life) kaya di na lang ako gagawa ng memory box for college.
Matagal ko na rin hindi nabubuksan yung mga gamit ko nung high school. For sure, kinakalawang na yung memory box ko. For sure, brown na yung mga papel na ginamit ko nung high school para sa pagsusulat. Minsan, masarap halungkatin ang mga lumang gamit na ito at alalahanin yung taong nagdaan. Nakakatuwa, dati kasi nagmamadali akong lumaki. Nagmamadali akong tumanda. Nagrerebelde ako kasi sa palagay ko, hindi binibigay nila ko yung freedom na hinahanap ko. Parang ang sarap isipin, na noong unang panahon, isa ka lang musmos na naghahanap sa sarili at unti-unting bumubuo ng pangarap. Parang walang problema, at kung meron man, siguro yung mahirap na problem lang sa trigo, or kung paano mag-bake ng choco chip cookies sa THE. Pero ngayon...
Tuesday, May 29, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment