Palabas na ako kanina ng bahay ng biglang may kumatok na babae sa gate namin. Siya yung asawa ng kapitan sa baranggay namin. Yes! Yung kapitan na natutulog ng alas onse ng umaga, yung naningil ng P50 para sa baranggay sa clearance ko, yung ayaw kampihan yung pamilya namin kahit kami yung agrabyado, yung nagtanong sa kin kung pwede akong tumakbo sa SK bilang kagawad pero dinisqualify rin ako, yung kapitan na nagpailaw ng isang street sa baranggay namin.
Going back to the story, so yun nga, pumunta yung misis ni kapitan sa bahay. Binigay samin yung listahan ng kandidato at sample ballot. Nakakainis kasi yung sample ballot sa likod, sinulatan ng mga pangalan ng kandidatong ineendorso nila. Tapos yung booklet, nilagyan ng flyer nung mga kandidatong manok nila. As in nakakainis talaga.
Binuklat ko yung booklet ko... ampootah... wala man lang listahan ng Party list at Senador. Di ko tuloy alam kung wala sa listahan ng party list yung LADLAD (oo, iboboto ko sila ok?). Pero dun sa ibang booklet, meron.
Eto pa ang masaya. May Tea Party sa bahay nina kapitan. Sabay sakin ni misis "Kayong mga taga Langka, hindi kayo pumupunta sa Tea party!" Yeah, right... as if alam namin na meron silang tea party kasi nga hindi umaabot sa min yung imbitasyon.
Pero feeling ko, isang malaking kalokohan yung tea party na yun. Feeling ko, andun yung kandidatong kinaiinisan ko (siya yung kapatid ni "Rain" hulaan mo na lang). Siguro hihingi ng suporta. Siguro mamimigay ng pera. Uy... pera rin yun! Sayang may shift ako....
Actually, hanggang ngayon, hindi ko pa alam kung sino ang iboboto ko. Next week na yung eleksyon, pero wala pa rin akong manok. Kung wala lang siguro akong pasok, siguro nagvolunteer na ako sa PPCRV bilang watcher (gaya nung 2001 elections) or sa NAMFREL. Sayang talaga.
Mabalik tayo dun sa iboboto, walang kakwenta kwenta kasi yung mga tumatakbo ngayon eh. Victor Wood, Richard Gomez at Cesar Montano for senator... san ka pa! Yung oposisyon at administrasyon, pare-pareho namang trapo. Ayoko kay Recto kasi siay yung nagpasa ng 12% na EVAT. Ayoko kay Singson kasi gambling lord, at yung kapatid nya yung dahilan kung bakit nademote yung kakilalala namin sa PCSO. Si Villar naman, magpapayaman lang naman. Si Flavier naman di na tatakbo. Bet ko pa naman sya.
Tama si Ex-Senator Jovito Salongga, Nung panahon nila, talino ang puhunan. Ngayon, popularidad na. Ang hirap talaga pumili ng iboboto!
Friday, May 11, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment