Thursday, May 3, 2007

Identity crisis

Sino ba ako?
...
...
...
...
...
Yan ang tanong na palaging naglalaro sa isip ko. Sino ba ako? Ako ba ay ako? Ako ba ay siya? Ikaw ba ay ako?

Mahirap intindihin kung ano ka ba talaga. Isama mo na dito ang "molding years" mo, kung saan ay hinahanap ko kung ano ka ba talaga, at kung ano ang makakapagpakuntento sa yo. Ikaw ba ay ikaw, dahil yun ang pagkakakilala sa yo, o ikaw ba ay ikaw dahil ikaw talaga yun... ang gulo!

Bakit ko nga ba sinusulat ito? Kasi nalilito ako... Para mas magulo... eto ang kwento...

Sa pagkakaalam ko, ang pangalan ko ay Kristina Angeles. Sa pagkakaalam ko rin, ganyan ang spelling nyan at tama yan. At sa pagkakaalam ko rin, anak ako ng nanay ko.

Nung nagtrabaho ako, nagkaron ako ng "The Master" na nalilito sa pangalan ko. Lahat ng pangalang nagsisimula sa letter K, naitawag na nya sa kin. Katherine, Karen, Karla, Kristianne, Kristel, at kung ano ano pa. Simple lang naman kasi banggitin ang real name ko at ang nick name ko. Kristina. K-R-I-S-T-I-N-A. KC. K-C. Di ba? Hindi naman mahirap bigkasin????

May mga customer pa ako na ganito:
Ako: Welcome to the ---- ----, My name is KC. How may I help you today?
Customer: What's your name again?
Ako: It's KC, sir.
Customer: Stacy?
Ako: No sir. It's KC.
Customer: OK, Tracy. Here's my problem....

Anak ng... KC ang pangalan ko. Although karhyme sya ng Stacy, Tracy, Macy, Lacy, Hazy achuchuchuchu... pero KC ang pangalan ko!

Meron pa ngang customer na ganito:
Customer: So how do you spell your name?
Ako: Just the letters K and C, ma'am.
Customer: I see. I thought it's spelled as Casey.

OK rin, cute naman eh.

Eto, matindi. Nung nag-aaral naman ako, ang spelling ng pangalan ko, naging Christina instead of Kristina. Haaayyy, addict na mga teacher. Meron pa. Noong 4th year high school naman ako, 3 kaming Kristina/Cristina sa classroom. Tapos, sunod sunod pa kami. Hehehehe.

Dito naman sa work ko, May kapangalan ako. As in kapangalan. As in pati apelido, magkapareho kami. Nung nagresign ako, na NCNS sya. Nung nagfile sya ng leave, ako ang nakakuha ng leave nya. Pati sa CSAT, minsan ako nakakuha ng CSAT nya, samantalang nasa chat support na ako. Kaya kapag tumatawag ako sa RTA, sinsabi ko - "I'm Kristina Angeles. With the letter K" Laugh trip!

Eto... andito na tayo sa climax ng story ko... kanina kinuha ko yung Medicard ng nanay ko. Ang nakalagay dun sa Medicard, Kristine Angeles. Yung dependent nya eh si Ma. Teresa Angeles... hmmm... pangalan ng nanay ko yun ah! Nalito tuloy ako kung ako ba yun o hindi. Nanay ko ba yun? Ako ba yun?

0 comments: