Thursday, June 28, 2007

Telepono

Alam kong darating ang panahong kailangan kong bumalik sa pinanggalingan ko. At alam ko ring darating ang panahon kung kailan kailangan kong magtelepono muli. At nangyari na nga iyon kanina...

Dahil kaninang 10:30, pinagcalls ako ng RTA. HUWAAATTT??? Oo. Kaya pala may urge akong dalhin ang foam ng headset ko, kaya pala nag-aral ako ng web tree ng phones. AH, kaya pala!

Sobrang ngarag yung unang call ko. Feeling A-bay baga. Nalito pa ako dun sa path ng sign-in kasi puro Auto Care. Auto Care. auto care. AuTo CaRe. Which makes me wonder, pano kung di talaga makasign in yung customer at di makaconnect sa internet? Kailangan i mano-mano yun di ba?

Medyo irate yung customer ko kanina nung inassist ko, eh kasi ilang araw o buwan na siyang di makasign in eh. Nagtroubleshoot ako ng konti tapos inescalate ko na. Tapos, tapos na. Ngarag. Yun lang. Ayoko nang ulitin kaso asa pa ako. For sure bukas ay tatawagan nila ako para magcalls ulit. Ang masaklap nun, tatatlo lang kami ngayon, queuing rin kami kasi nagmultisession ako. 12 PM pa dapat ako magchachat, sa awa ng Dyos, nagqueuing sina Ailene at Suzie. Yey, chat time uli!

Naway bukas hindi ako mag calls...

0 comments: