Hindi ko namalayang isang taon na pala ang nakalipas mula nang magpaalam ako sa XM radio sa dati kong kumpanya. Hindi ko pinaghihinayangan at pinagsisihan na dito ako nilagay nina HR Jayme at HR Karen nung pumasok ako sa kumpanya nila, kahit pa asar ako dahil sana sa Virgin Blue o sa E-mail support ng Sunrocket na lang sana nila ako nilagay.
Dahil dito sa XM Nation, marami akong natutunan at naging karanasan. Mga aral na dapat ay pahalagahan ng bawat call center agent. Mga karanasang di malilimutan.
Una, ang mga customer na pinupuri ka ay manghihingi ng refund o ng credit. Dalawang beses ko na naencounter to. Yung isa, mabait talaga, yung isa nagsungit pa. Ang lesson: wag magpadala sa compliment.
Pangalawa, may mga "The Monsters" na epal pag sup call. Yung tipong pag nakadalang beses (o minsan once lang) ka nang nagpasup call, irate-iratean sya sayo. As in sa yo nila ibubuhos yung galit ng customer. Pag ganito ang nangyari, minsan iisipin mo sana naging punching bag ka lang o sana naging ipis ka na lang. Yung "The Monster" na yun ay itago natin sa code name na Prayle.
Pangatlo, dapat pahalagahan ang QA scores at attendance dahil baka ito ang magbigay sa yo ng limpak limpak na salapi. Dapat patulan din ang upselling para madami ang kita. Yun nga lang... KAMUSTASA NAMAN ANG TAX?????
Pangapat. Wag magreklamo kung may nabago sa shift. Hindi mo alam kung anong surprise ang magaganap sa yo... (haaayyy *twinkling eyes* I still remember that night with "Oh MyLabs" Coogie... haaayyyy)
Panglima, mabigat sa bulsa ang mag time off. Hanggat maari, mag time off lang before ka magoff.
Pang-anim, dapat matuto kang mag-antay sa promotion, at wag padalos dalos. Matutong mag-antay, kahit 10,000 light years ka nang pinagaantay ng HR dahil nasa pinakailalim ng lupa yung EPIF at Application mo. Be patient. Patience is a virtue. My Patience (Gollum style).
Pangpito, wag masyadong dependent sa "The Masters" dahil hindi mo alam kung kelan sila ililipat ng account. Gaya na lang ng nangyari kina Mami Carmi, Dadi Ryan at Papa Ivan. Masakit magpaalam sa taong tiningala mo (at minsa'y naging pantasya mo).
Pangwalo, masarap matulog sa sleeping quarters, lalo na pag 1 hour break. Bwisit lang pag masyading maraming tao. Minsan, kwentuhan na lang kayo ng teammates mo para makatulog, di nyo namalayan tapos na ang break (at overbreak na kayo). Magandang bonding session rin ang matulog kahit papano. Bwisit lang yung mga Joklang Vading na natutulog sa LADIES' SLEEPING QUARTERS. Take note. BADING SA SLEEPING QUARTERS NG MGA BABAE. Lech talaga...
Pang siyam. Mahirap makipagtalo sa QA. Baka bawiin pa yung 100% na score na binigay nya sa yo lalo na kung napansin mong mali yung spelling nya. Mahirap iganti ang tropa na inaway ng QA.
Pangwalo, pahalagahan ang bawat downtime. At least may sweldo kahit walang ginagawa. Pagnagalit sila sayo, paki mo ba?
Pangsampu, masarap mag multitasking. Yung tipong naglalaro ng online games habang nagcacalls. Good luck sa QA mo.
Panglabing isa, mahirap makipagusap sa customer kung ang katabi mo eh taga outbound na rinig hanggang North Pole ang boses. Mahirap rin maghanap ng station, kaya dapat may kontratahin kang agent na magsasave sayo (minsan kahit teammates na rin).
Panglabingdalawa. Mag OT, lalo na kung may prize. Baka manalo ka ng TV.
Marami pang aral yan kaso mag-iisip pa ako. Pero ito lang ang masasabi ko... "And for the latest on XM products and programs online, visit www.xmradio.com. Have a nice day, Goodnight!"
Saturday, June 30, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment