fathers' day ngayon. wala lang. mas excited pa ako sa mothers' day at sa birthday ng nanay ko kesa sa okasyong ito. bukod sa good friday (na hatest ko talaga kasi walang mapanood sa tv bukod sa 10 commandments), ayokong icelebrate and fathers day.
konti at ilan lang ang nakakaalam ng tunay kong pagkatao. kasi pag sinabi ko ang totoo tungkol sa kin, ang daming tanong na hindi ko masagot at ayokong sagutin. gaya na lang ng "nasan ang tatay mo?", "ano ang pakiramdam ng walang tatay?", "bakit ka walang tatay?", "gusto mo pa bang makilala ang tatay mo?" yung mga ganong klaseng tanong. kaya di mo ako masisisi kung nung bata pa lang ako, nagsisinungaling na ako sa tunay kong pagkatao. hindi sa kinahihiya ko yung sarili ko, pero may mga bagay na maski ako, hindi ko maintindihan.
minsan, nag-uusap kami ni pie kung paano pag wala na sila ni mark, kung pano nya eexplain kay bubu na wala na sila. sabi ko sa kanya, kung matatag siya, kaya niyang buhayin mag-isa si bubu gaya ng ginawa ng nanay ko. kaso, narealize ko, hindi lahat ng babae gaya ng nanay ko. hindi ganung klase si pie (na galing din sa broken family). mas gusto nya na maging buo ang pamilya nya kaya ganun. balik tayo sa kwento... sabay humirit si pie ng tungkol sa tatay ko...
sa totoo lang, ayokong pag-usapan yon. idiscuss na natin lahat, maski yung tungkol kay vappie the vampire slayer, wag lang yung subject na yon. kasi wala akong alam sa subject na yon. tatahimik na lang ako, pag yung topic na iyon ang inopen mo.
ewan ko kung bakit ko sinusulat tong entry na to. marahil, dito ko lang mailalabas yung saloobin ko tungkol sa celebration ng father's day. wala naman akong galit sa lahat ng tatay. bilib pa nga ako dun sa mga tatay na talagang pinaglalaban yung mga anak nila e, yung sa kin lang, wala talaga akong dahilan para icelebrate ito. patay na ang lolo ko, puro mga tito na lang at hindi pa ako ganun kaclose sa kanila. wala talaga...
Sunday, June 17, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment