What does it feel like to be Paris Hilton for just one day?
Wait, hate ko pala si Paris Hilton. Siguro si Athina Onasis-Roussel na lang kaya? Or si Kris Aquino? Or si Ruffa Guttierez? Or si Gretchen Baretto? Or si Chynna Cojuangco? Or si Patty Laurel?
What does it feel like to be a celebrity? To be rich and famous? What does it feel like to be "the talk of the town"? Ano kaya pakiramdam ng hinahabol habol ka ng lahat?
Dati, naiisip ko, kung bibigyan ako ng 3 wishes, it would be power, wealth and beauty. It seems like to be really be famous, you need to have these things, and the rest will also come to you. Kung magiging invisible ako for one day, gusto kong masuri yung isang araw sa buhay ng mga sikat na celebrity. Malungkot ba, o masaya? Exciting ba or boring? Malaya ba ang pakiramdam, o nakakasakal?
Kung may opinion ang mga ordinaryong tao sa mga celebrities na nabanggit ko, may opnion rin kaya sila sa mga ordinaryong taong kagaya ko? May pakialam kaya sila sa mga nangyayari sa paligid nila? Ramdam ba nila ang global warming, o hindi dahil andun sila sa kwartong de-aircon, nakahiga sa kamang malambot at nagbabasa ng latest edition ng Vogue. Excited din kaya sila pag may nagpadala sa kanilang balikbayan box? Naranasan na rin kaya nilang magutom ng isang araw, o sinasadya talaga nilang huwag kumain para pumayat? Nagtatrabaho ba sila para magkapera, o dahil uber bored na sila sa malapalasyo nilang bahay?
Ang dami kong tanong sa utak. Feeling ko kasi, exciting ang buhay ng mga rich and famous. Oh well...
Saturday, June 16, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment