Ikaw. Oo, ikaw nga! Napakasuwerte mo sa lahat ng mga taong nagpakatanga at nagpapakatanga sayo! Naisip mo na ba kung ilang dagat na ang pwedeng mabuo mula sa mga luhang tumulo dahil sayo? Masarap ba ang pakiramdam ng iniiyakan kahit buhay ka pa?! Masaya?!
Ilang tanga na ba ang naliwanagan dahil dumating ka sa buhay nila? Ilang henyo na ba ang nabobo sa kaiisip sayo? ilang bochog na ba ang nangayayat sa kakahabol sayo? ilang patpatin na ba ang nakabuhat ng grand piano dahil minahal ka nila?
Nakakatawang isipin at pagtanda siguro natin mahirap paniwalaan, na minsan sa buhay ng batang iyon, ikaw ang naging tampok ng kanyang mga pangarap.
Minsan naman sadyang dumadating sa mga relasyon yung pagkakataon na kailangang bumitaw o mabitawan, makasakit o masaktan. Malas mo na nga lang kung ikaw yung iniwan pero hindi eh. Talagang masuwerte ka kasi ikaw yung nang-iwan. Pero kahit ganoon na nga ang papel mo, lalabas ka pa ring bida at dakila kasi sasabihin ng mokong na ‘to, “Hindi ko siya masisisi. Ako naman talaga ang may kasalanan.” Ayos.
Ilang utak na ba ang binabagabag mo gabi-gabi? Ilang nilalang na ang hindi nakakatulog sa kaiisip sayo? Ilang mga mata na ang parang namagang fishball sa umaga dahil sa magdamag na pag-iyak sa alaala mo?
Alam mo ba na para kang bubblegum sa bumbunan nung taong mahal na mahal ka? Pilit na kinukutkot pero sa huli malagkit pa rin. Para kang mantika sa platong hindi maalis-alis kahit nakalimang banlaw na lalo na kung walang Joy Ultra Calamansi. Para kang monthly period na after three days akala wala na pero may taghabol pa pala.
Isa man yan, o isang barkada, maswerte ka pa rin. Hindi ba nakakataba ng puso ang
malamang may isang nilalang na iinom ng isang shot ng nana at isang kilong taba para lang sayo? Na kahit lasunin mo ng racumin, para pa ring tutang susunod sayo.
Kung ganon pwede ka nang lumundag mula sa Eiffel Tower at makakasigurado kang sa langit pa rin ang bagsak mo dahil may isang nilalang na makikipagbargain kay satanas para sa kaluluwa mo.
Sabihin mo nang hindi ka naman ganon; na iniiwan ka rin at nasasaktan; na hindi mo ginustong magpakapraning sila sayo; na hindi ka ganon kalupit at karahas; na may puso ka ring mamon. Pero wala kang magagawa. Wala akong magagawa. Wala silang magagawa. Naging praning ako sayo eh...
Tuesday, October 21, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment