> ADVENTURES SA KAWATANAN NG RENTAS INTERNAS ni Jol Ong
>
>
> Okay. So natanggap na ako nung November sa NCCA bilang researcher.
> Contract employee lang. 3 months. May Yearbook project kasi sila at
> kailangan ng extrang tao. Okay lang ang bayad, kaso may 10%
> withholding tax, at siyempre, dapat may Tax Identification Number ako.
> So tinanong ko yung boss ko- "Sir, di po ba yung employer ang
> maglalakad ng TIN ng employee?" Sagot ni bosing- "Di ka kasi regular
> employee kaya dapat ikaw ang maglakad ng TIN mo." Assurance nung
> assistant ni bosing- "Okay lang yan, one-time hassle lang yan."
>
> Alaako problema. Sige, ako maglalakad ng TIN ko. Tutal, ano ba ang
> worst case scenario? Mahabang pila? Red Tape? Naknamsiomai, sanay
> naman ako sa UP e- kuhaan ng classcards, pila sa registration, pila sa
> graduation, etc. Ako rin naman ang naglalakad ng registration ng
> beetle ko, at sa pagrerenew ko ng lisensya, so okay lang. Sabi ni
> bosing, dun daw ako mag-apply ng TIN sa BIR Main, sa may QC, para mas
> konti ang pila. May BIR din naman sa labas ng Intramuros, walking
> distance para sa mga sanay maglakad, pero mas konti raw ang tao sa
> Main.
>
> So, sige, nagpaalam ako, isang araw mag-aabsent ako para lakarin yun.
> Dun ako sa Main, dahil malapit lang sa amin, tapos planoko, dadaanan
> ko yung ilang research materials sa UP. Solve!
> Pagdating ko sa BIR Main, nagulat nga ako dahil wala ngang katao-tao.
> Ni wala akong nakitang pila, maliban lang dun sa pila sa harap, dahil
> tsinecheck nung sekyu yung bag ng mga tao. Nung pagpasok ko, wala pala
> silang TIN forms. Wow. Naubusan ng TIN Forms ang BIR Main. Hanep.
> Tinanong ako nung lalaki sa desk kung para saan yung TIN application
> ko, sabi ko, para sa work. Tinanong kung saan ako nagtatrabaho, sabi
> ko sa Intramuros.
>
> "Dun ka mag-apply sa Intramuros." sabi nung lalaki. "Di po ba puwede
> talaga rito?"
>
> "Hinde, kasi sa Intramuros ka e, sila ang may hawak sa 'yo."
>
> Okay lang, although medyo naburat ako sa efficiency nila. Ibig kong
> sabihin, wow, Main BIR sila tapos una, naubusan sila ng TIN Forms,
> pangalawa, ewan, ang laki-laki ng saklaw nilang lugar, ang laki-laki
> ng mga building nila, tapos hindi nila ako ma-accommodate.
> Taragis, e malamang sa kanila rin naman mauuwi yung records ko kung sa
> BIR Davao BIR Batanes ako mag-apply, dahil tutal, Main sila e, di ba?
> So ala na akong magawa, ala rin silang TIN Forms, so useless din kung
> magprotesta pa ako dun. So pumunta na lang akong peyups ( U.P.) for
> official business, for the first time. Hehehe!
>
> Pagpasok ko sa work, sinubukan kong lakarin yung TIN application ko sa
> BIR sa labas ng Intramuros, yung malapit sa port area. Pag-akyat ko sa
> taas,hinanapan ako ng certificate of employment, at barangay
> clearance. At dahil walang nagsabi sa akin na kailangan ko nun, lalo
> na yung lalaki sa BIR Main, wala akong bitbit na requirements.
> Pagbalik ko sa opisina, inexplain ko sa bosing namin yung problema.
> Nakatingin sa akin yung bosing ko na parang nawe-weirdohan din at di
> maintindihan yung paghihigpit ng BIR.
>
> Lintek, sabi nga nung isang workmate ko, the fact na nag-apply na ako
> for TIN, dinedeclare ko na sa gobyerno na puwede na nilang kupitan,
> err, kaltasan ang maliit kong suweldo. Ako na nga ang magbibigay ng
> pera sa kanila, ako pa ang hinihigpitan.
>
> Tanginang gobyerno yan, kahit kailan talaga pahirap sa mga tao.
> Anyway, pag-aaralan pa raw nila kung mabibigyan nila ako ng
> certificate of employment. Yung barangay clearance, ako na ang
> maglalakad. Plano kong bumalik ulit sa BIR Main. Hindi ko na lang
> sasabihin na sa Maynila ako nagtatrabaho. Yung ninang ko na may
> business, binigyan ako ng TIN Forms. Form 1901, take note. Para sa mga
> regular employees. May pipirmahan sa likod ang employer ko. After
> nito, dumiretso ako sa barangay hall namin para sa clearance. Hiningan
> ako ng CV para sa file. Medyo naiirita na ako sa puntong ito. Isipin
> mo naman kung gaano ka-hassle ang buong prosesong ito, para saan? Para
> gawin ko ang aking role bilang mabuting mamamayan sa pagbabayad ng
> tamang buwis?
>
> Anyway, tinanong ako nung babae sa barangay hall kung may TIN daw ako.
> Nafafalo ako sa noo ko.Whoooooo!
> Okay! So may clearance na ako! Humingi na ako ng certificate of
> employment sa bosing ko, at pinapapirmahan ko na siya sa likod ng Form
> 1901 ko. Kaso sabi niya, hindi raw puwede kasi wala ako sa roster of
> employees ng NCCA. Project employee lang ako e. So tinanong ko kung
> puwede ibalik yung mga kaltas sa akin, tutal ala naman akong TIN e, at
> ayaw akong bigyan ng BIR, kaya pu@#$%*na sila, di ko bibigay pera ko
> sa gobyerno! Ang problema, hindi raw puwede yun. Tuloy-tuloy ang
> kaltas sa suweldo ko. Kapag hindi raw kasi kinaltasan, sila raw ang
> malilintikan kapag nag-check ng expenses ang NCCA, makikitang hindi
> binawasan ng suweldo ko. So tinawag ngayon yung isang accountant ng
> NCCA para tulungan kami sa aming munting problema. Hindi rin
> maintindihan nung accountant kung bakit hinihigpitan ako ng BIR.
>
> Putsa, ako na nga ng magbibigay ng pera sa gobyerno, may gana pa
> silang magpakipot. Sabi nung accountant, yung kinaltas sa akin,
> mapupunta pa rin sa gobyerno, may TIN man ako o wala, at hindi sa
> bulsa ng kung sinoman sa NCCA.
>
>
> Well, dadaan muna sa gobyerno, sa BIR, bago mauwi sa bulsa ng isang
> congressman, pero technically, alang problema dahil pagkahaba-haba man
> ng prusisyon, sa simbahan pa rin ni s~tan~s ang tuloy. Ang difference
> bale, kapag may TIN ako, dinedeclare ko lang na sa akin galing yung
> kakaning-ibon na baryang portion ng pang-tip ni Mr.Congressman sa
> p*kpok niya sa Pegasus. Otherwise, mula kay Mr. Anonymous yung
> pang-tip niya
>
> Advise sa akin, sabihin ko na lang na freelance writer ako. Tutal, may
> kaltas din naman daw kapag nag-freelance ka sa mga diyaryo. Tapos
> i-assert ko raw na ako na ang pagbibigay ng pera sa kanilang mga letse
> sila kaya dapat bigyan pa nila ako ng libreng chocolait at biskwet out
> of gratitude mga hayop silang mga impakto sila. Okay. So bumalik ulit
> ako sa BIR Main. As usual, ang pila lang ay yung sa harap, kung saan
> nagtse-check yung sekyu ng bomba sa mga bag ng mga tao.
>
> Anyway, babae na yung nasa desk ngayon. Pinakita ko na yung baranggay
> clearance ko, at yung accomplished Form 1901 ko. Nung tinanong sa akin
> kung saan ako nagwowork, inexplain ko na freelance writer ako kaya
> wala akong regular employer, kaya walang nakapirma sa likod. Okay?
>
> Okay. Hinde. sabi nung babae, since hindi ako regular employee, ibang
> form dapat ang finill-up-an ko. At bigla siyang naglabas ng Form 1902
> at binigay sa akin.Whew, kinabahan ako dun a. Yung Form 1902, sabi
> niya, ay para sa mga "mixed-income individuals,
> hindi regular ang kita-professionals, businessmen, at sabi niya,
> freelance writers. Okay! Fill-up dito, fill-up dun, okay lang!!!
> Magkakaroon na ako sa wakas!
>
> Inaabot ko na sa babae yung Form 1902! Eto na... "Ummm, okay na?
> Ngayon, punta kayo sa West Ave.....Branch namin."
>
> Nanlaki ang mata ko. Wow, nasira agad ang aking moment of triumph.
> "Err! , hindi po ba puwede rito sa Main?"
>
> "Hinde, kasi sa Project 6 ka nakatira. West Ave. Branch namin ang may
> hawak sa inyo."
>
> Naramdaman ko, parang umiikot-ikot ang paligid ko. Parang gumagaan ang
> ulo ko, nanglalambot at naghihina ang tuhod ko. Bigla kong naramdaman
> ang isang matinding pangangailangan na i-headbutt ang kausap kong
> babae sa desk. Sa halip na isang headbutt, nagtanong na lang ako.
>
> "Puwede po bang ibang tao na lang ang maglakad nito para sa akin?"
> "Oo, gawa ka ng authorization letter..."
>
> Ah! Paraakong nabunutan ng tinik sa dibdib! Fafalakad ko na lang ito
> sa nanay ko. hehehe. Paglabas ko, marami pa ring tsinecheckan ng bomba
> sa bag sa harap. Ngayon alam ko na kung bakit. Ako rin gusto ko rin
> silang bombahin. Hindi ko pa rin mawari, nung araw na yun, kung ano pa
> talaga ang purpose ng BIR Main. Nakangsiomai, dun sa maliliit na
> branches nila, siksikan ang mga tao, milya-milya ang pila. Sa Main,
> ang lawak-lawak, pero di sila nag-a-accomodate ng applications! Sa
> kasamaang palad, hindi ako nakapagsulat ng authorization letter, at
> masyadong busy ang nanay ko para ilakad ang TIN ko. Anyway, sabi niya
> sa akin, may kaklase yung tita ko sa BIR West Ave. Kapag nagipit ako,
> hanapin ko na lang yun.
>
> Okey. Sige. Isa pa, may Form 1902 na ako, baranggay certificate, at
> yung excuse ng aking pagiging freelancer. Pila lang siguro ang
> problema, pero okay na.
>
> Putsa, dapat okay na. At nakarating din ako, isang araw, sa BIR West
> Ave. Sa second floor sila nag-oopisina sa isang building. Masikip yung
> elevator dahil sa dami ng tao. Narating ko na rin yung desk para sa
> TIN. Nung chineck nung babae dun yung papeles ko, hinanap nila yung
> pirma ng employer.
>
> "Ay. Wala po. Freelance Writer po ako e." Napatingin sa akin yung
> babae, tinitigan ako sa mata na wari'y tinitimbang ang mga salitang
> aking nasambit... "Ano yung Freelance Writer?" Nafafalo ako ulit sa
> noo.
>
> "Ma'am, freelancer po ako. Wala po akong regular na sahod. Binabayaran
> ako per article na sinusulat ko. Hindi po ako regular employee kaya
> wala akong certificate of employment." Nung makitang Form 1902 ang
> dala ko, sinabihan pa akong maling form ang bitbit ko, kaya inexplain
> ko pa na nanggaling na ako sa BIR Main, na Form 1901 ang dala ko dati
> pero sabi dun, mali raw ang 1901 para sa akin kaya binigyan ako ng
> 1902 dahil freelance writer ako, at inirefer ako sa branch nila.
> Nakatitig sa akin yung babae, ninamnam ang bawat salitang sinambit
> ko..
>
> "Ano yung Freelance Writer?" Okay! Kulang ka ba sa iodized
> salt?!!Ipinaliwanag ko ulit kung ano ang freelance writer, at
> nakatingin pa rin siya sa akin na tila nambubullsh~ t lang ako.
>
> "Punta ka na lang sa Officer of the Day."
>
> "Umm. Saan po yun?"
> "Sa Seventh Floor." 1...2...3... 4...5...6. ..7...8.. .9...10.. .
> ayan... kumakalma na ko...
>
> NAKANANGTOKWA! !!! ANG DAMING TAONG NAKAPILA SA ELEVATOR!!!
>$#@*^%$%#!!
>
> Alang choice, tumakbo ako paakyat sa hagdanan mula 2nd patungong 7th
> floor. Hingal na hingal ako nang lapitan ko ang Ofiicer of the Day
>
> "Ma'am, pinaakyat po ako mula sa second floor..." At ipinaliwanag ko
> yung nangyari, mula yung pagpunta ko sa BIR Main, hanggang sa pagpunta
> ko sa ibaba kanina. "Umm... at anong gusto mong gawin ko?"
>
> Gumuho muli ang mundo ko, pero buti na lang may upuan sa likod ko.
> Ipinaliwanag ko ulit. "Oo nga. Sa second floor ang application ng TIN.
> Bakit ka pinaakyat sa akin?" Halos nagmamaka-awa na ako. "Ma'am, ala
> po ba talaga kayong magagawa?" At inilahad ko ulit yung masasayang
> adventures ko sa BIR Main, sa BIRPort Area, sa BIR Main, at sa BIR
> nila.
>
> Awa ng diyos, may kinuhang chart yung ale, hinanap yung kategorya ko.
> Nung makuha yung code, sinulat niya sa isang espasyo sa 1902 ko, sabay
> tatak. "Ayan. Okay na yan." Namagandali ako. Sincere!!! Halos mapaihi
> na ako sa tuwa. Matatapos na!!!
>
> Kaso, putsa, ang daming taong naghihintay sa elevator. Walang choice,
> takbo ulit ako sa hagdanan pababa.Pagdating dun, lalaki na yung
> nakaupo sa desk. Pinakita ko ulit yung mga papeles ko.
>
> "Saan ang Certificate of Employment mo?" Nammannnnn!! !! Ano ba'to?
> Twilight Zone? Napasok ba ako sa isang loop?
>
> "Bosing, hindi po ako regular employee e. Freelance writer po ako."
> "Ano yun?"
>
> NOOOOOOOOOOOOOOOOOO OOOOOOOOOOOOOOOO OOOOO!!!! !!!!!!
>
> At ipinaliwanag ko ulit kung ano ang freelance writer, at ikinuwento
> ko yung episode kanina, at yung episode sa BIR Main, etc.
>
> "Ito kasing Form na ito, itong 1902, para sa mga may negosyo ito e."
>
> "E yan po ang binigay ng BIR Main sa akin, dahil hindi regular ang
sahod ko!"
>
> "May mayor's permit ka ba?" Pikon na pikon na ako nun kaya hindi ako
> natawa, pero, talaga , grabe, comedy ito, men. Wow.
>
> "Hindi ko po kailangan ng mayor's permit! Writer lang po ako!"
> Ineksamin ulit nung lalaki yung papeles ko.
>
> "Ummm, propesyunal ka ba?"
>
> "Opo."
>
> "Anong propesyon mo?"
>
> "Writer po."
>
> "May lisesnsya ka ba?" - "Sa isip ko- "HU-WAAAAAAATTTTTT! !!????" Kung
> kumain ako ng bulalo kanina, malamang na-stroke na ako ngayon.
>
>
> "HINDI NYO PO KAILANGAN NG LISENSYA PARAMAGING WRITER!!!" Sabay
> follow-up ko ng: "ANO BA KAYO? AKO NA MAGBABAYAD NG TAX SA INYO,
> PINAPAHIRAPAN NYO PA AKO!!!"
>
> Deadma si lalaki. Nakatingin pa rin sa papeles ko, iniisip kung ano
> gagawin. Kung pinapunta pa niya ako ulit sa Officer of the Day,
> i-he-headbutt ko na'to talaga. Buti na lang- "O sige, irereceive ko
> ang forms mo, pero ang alam ko dapat may kasamang papeles pa ito e.
> Pumila ka na lang dun..."
>
> *haaaaaaaaaaaaayyyy yyyyyyy.. .....* Kaso, sobrang haba ng pila, at sa
> takbo ng mga pangayayari ngayon, ayoko nang maghintay ng isa't
> kalahating oras para lang mag-replay ng kuwentong kung ano ang
> freelance writer, at kung bakit hindi ako regular employee.
>
> Lumabas ako, pumunta ako sa corridor. Pikon na pikon. Tinawagan ko
> nanay ko, tinanong ko yung pangalan ng kaibigan dati ng tita ko sa
> highschool na nagtatrabaho ngayon dun. Okay, nakuha ko na yung
> pangalan. Balik ako dun, tinanong ko yung sekyu kung saan ang opisina
> nung babae.
> "Sa seventh floor po." Hindeeeeee!! !!! Pero sige, para lang magkaroon
> ng bunga ang paghihirap ko ngayong araw na ito- may exodus ng tao sa
> harap ng elevator, kaya ayun, inipon ko ang natitira kong lakas at
> hininga, at aking tinakbo muli ang second to seventh floor sa
> hagdanan.
>
> Pagdating sa taas, halos bumagsak sa lupa ang baga ko.
> Nagtanong-tanong ako ulit kung saan ang opisina nung bes-pren ng tita
> ko, hanggang sa mapunta na ako sa gitna ng opisina nila.
>
> Sa wakas- "Ay! Diyan yung opisina nun, pasok ka diyan." Yehey!!!
>
> "Ha? Ay! On-leave siya ngayon. Babalik siya sa January 2."
>
> NOOOOOOOOOOOOOOOOOO OOOOOOOOOOOOOOOO O!!!!!!!! !!!!!!
>
> Hindi pa rin nauubos ang mga tao sa elevator, hindi ko maalala kung
> paano ko tinakbo pababa ang first floor. Pikon na pikon ako, grabe.
> Pag-uwi, nakaubos yata ako ng isang pitsel ng gulaman. Hinintay kong
> humupa ang tila-nuclear holocaust ng galit sa loob ng dibdib ko.
>
> Punyetang gobyerno ito!!! Letse!!! Hindi mahuli-huli yung mga tax
> >evaders,hindi mabigyan-bigyan ng TIN yung mga nagmamagandang loob na
> magbayad ng buwis!!!
>
> Tangina, no wonder may lumolobo tayong mga deficit!!! Syet!!! Ano
> nangyari sa iodized salt campaign ni Ramos!!!
>
> Nung gabi, tinawagan ko si TJ, yung kasama ko sa trabaho, at kinuwento
> ko lahat. Lagi ko kasing kinukuwento ang bawat installment ng aking
> BIR adventures, at tulad ng isang epiko, grabe ang climax nung hapon
> na yun.
>
> Syet. Hayop sa climax. Tinatawanan ko na lang, pero nung hapon na yun
> kaya ko sigurong mangagat ng leeg. Tawa rin nang tawa si TJ, at
> ngayon, kuwento niya, tawa rin nang tawa yung mga pinagkuwentuhan
> niya. Pati yung mga tao sa tambayan namin, nung kinuwento ko, di rin
> makahinga sa katatawa.
>
> Langya, baka maging urban legend pa ang buhay ko, in which case, sana
> puwede kong i-video lahat, at lalagyan ko ng sumpa- ala "The Ring",
> tapos fafadalhan ko ng kopya yung mga tao sa BIR.
>
> Naisip-isip ko na lang ngayon, paano nga kung kailangan mo ng lisensya
> para magsulat. Isang physical manifestation ng concept ng poetic
> license? haha!
>
> Kung sa driver's license, may mga restrictions tulad ng "Vehicle up to
> 4500 KGS GVW" o kaya "Automatic clutch above 4500 KGS GVW", etc. paano
> kaya yung sa "Poetic License" o "Writing License?"
>
> I. Restrictions
>
> 1. Haiku and short essays only
> 2. Essays up to 500 words and Freeverse up to 5 stanzas
> 3. Essays above 500 words and Freeverse above 5 stanzas
> 4. Critical Essays, Short Fiction, Poetry ...etc. Pero nag-digress na
> naman ako. Isang hapon, pagkatapos nung BIR episode, dumaan ako sa
> tambayan namin sa UP. Nung makita ako ng mga kasama ko - Jol! Pumayat
> ka a! Grabe!" hehehe.
>
> Naalala ko yung jogging-jogging ko sa building, at yung stress, at
> namagandai ako. Isang mapait at matamis na ngiti. At kinuwento ko kung
> bakit.
>
> PS: hanggang ngayon, wala pa akong TIN. Kuwento ni TJ, si Santi Bose
> raw, namatay nang walang TIN. Nakakatakot.
0 comments:
Post a Comment